***** JELLA ***** “Okay. I'll be there in a moment,” huling sabi ni Ryver sa kausap nito sa cellphone. Kung sino iyon ay walang ideya si Jella. Basta naalimpungatan lang siya kanina at nakita niyang wala na sa kanyang tabi si Ryver. Inakala niyang umalis na pero lumabas lang pala yata ng kuwarto. At kung bakit nagtutulog-tulugan siya ngayon ay hindi rin niya alam. Pero malamang ay dahil nahihiya siya. Nahihiya siya sa ginawa nila. Nakalimang rounds sila, for heaven’s sake! Muntik nang mapasinghap si Jella nang naramdaman niyang gumalaw ang kama. Humiga si Ryver at ipinulupot ang braso sa kanyang baywang. Though naka-brief na ito ay tila nagliyab na apoy na naman ang kanyang katawan nang maramdaman niya ang matigas na laman na nakatutok sa kanyang puwetan. Ipinikit niyang maigi ang mga