***** RYVER ***** “Mabuti naman at gising na siya. Pero huwag mo nang sabihin na tumawag ako,” parang sasabog ang kanyang ulo na sabi niya kay Jig. Kausap niya ang tauhan sa cellphone at ang pinag-uusapan nila ay si Lovi. Tinawagan niya agad kahit pababa pa lang siya sa basement kung saan naka-park ang kanyang kotse mula sa opisina ni Eusha. “Yes, sir,” masunuring tugon ng binata. “And please keep an eye on her. Huwag na huwag kang aalis sa tabi niya kapag hindi kailangan. Bantayan mo siyang maigi,” bilin niya rito habang palabas sa elevator. Hindi niya pinapansin ang mga kinikilig na dalawang babaeng kasabay niya. “Bakit, sir?” “Nanganganib ang buhay nila ni Jella kay Ma’am Eusha niyo.” “Siya ba ang may kagagawan sa pagkaputol ng prino ng kotse, sir?” Natigil siya sa paglakad