***** JELLA ***** Agad na natuon ang atensyon ng tatlong tao kay Lovi. Si Jig na napatigil sa pag-aayos sa mga prutas. Si Eyrna na nasa likod ni Jella at umangat ang isang kilay. At si Jella na muntik nang malaglag ang panga sa hindi pagkaniwala. Sa isip-isip ni Jella ay, “Nag-sorry si Lovi? Hindi nga?” “Sorry sa lahat ng ginawa ko, manang. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng selos at inggit ko sa’yo,” sabi pa ni Lovi. Wari ba’y nabasa ang kanyang pagdududa sa kanyang isipan. Tahimik na nagkatinginan sila ni Jig. They were both confused. Hindi sila sanay na inaasal ni Lovi. Mas sanay silang nagtataray ito. “Sorry lang? Hoy, muntik mo nang banggain ang sheb ko! Hindi sapat ang sorry mo lang! Kapal naman ng face mo!” maanghang na sabi ni Eyrna. Pumaharap bigla ito at dinuro s