***** JELLA ***** “Kakagigil talaga ang babaeng iyon. Tawagin ba naman akong manang. Anong tingin niya sa akin matanda? Itong sexy kong ito? Manang?” patuloy sa paghihimutok si Eyrna. “Sinabi ko na, ate ang ibig sabihin niyon,” walang gana na ani Jella. Wala na sila sa ospital at nakasakay na sila sa taxi. Napilitan siya kanina na magpaalam kay Lovi dahil kung hindi ay sina Eyrna naman at Lovi ang magsasabunutan dahil lang sa issue na iyon na ‘manang’. At naiintindihan niya ang kaibigan dahil siya man noon ay hindi matanggap na ‘manang’ ang tawag sa kanya ni Lovi. Eyrna turned to her angrily. “Alam ko, sheb. Pero wala tayo sa probinsya para gano’n pa rin ang gamitin niya na word. Nakakainis na marinig,” at reklamo. Kay taas ng naging halukipkip. Kung totoo na umuusok ang ilong kapag n