***** JELLA ***** “LOVI, let go of her!” makapangyarihang utos ni Ryver sa dalagang sumasabunot sa buhok ni Jella. Hindi makalaban si Jella dahil sa likod siya sinunggaban ni Lovi. Ang nagagawa na lamang niya ay pigilan kahit paano ang kamay nito sa kanyang ulo. Kung hindi ay matutuklap ang anit niya sa lakas ng pagkakasabunot sa kanya ng demonyita. “Ayoko! Mang-aagaw ang manang na ito! Mang-aagaw ng eksena!” pagwawala pa rin ni Lovi. “Sabing tama na!” Sinusubukan ni Ryver na kalasin ang mga kamay ni Lovi pero nakabuhol na sa buhok ni Jella ang mga kamay ng dalaga. “Mapapatay kitang babae ka!” sigaw naman ni Jella. Naubos na ang pasensya niya kay Lovi. “Ikaw ang papatayin ko! Malandi kang manang ka!” balik sigaw ni Jella. “Para kayong mga bata!” sigaw rin ni Ryver. “Sir...” Mabu