***** JELLA ***** NAGISING si Jella sa mahihinag katok at tawag sa kanyang pangalan. Ayaw niya sanang pansinin at ipagpatuloy ang pagtulog ngunit makulit ang tao sa likod ng pinto ng guestroom. Tao na sa tingin niya ay si Jig. At sa tingin niya rin ay hindi siya titigilan hangga’t hindi nito makikita na gising na siya. Pikit pa ang kanyang mga mata na pinilit niyang bumangon. Kakamot-kamot siya sa kanyang ulo na tinungo ang pinto. Hindi pa siya tuluyang gising. Animo’y nag-i-sleepwalk siya. “Bakit?” Hindi niya itinago ang iritable sa kanyang tono. Paano’y alas-sais pa lang ng umaga. Eh, anong oras na siya nakatulog kanina. Alas singko y media na yata ‘yon dahil sa pag-iisip niya sa ginawa niyang pagpapalayas kay Ryver sa guestroom. Buo ang naging loob niya kanina na tinanggihan si Ryv