PART 43

1748 Words

***** LOVI ***** “Dito po ba nakatira si Miss Lovi Angheles?” tanong sa kanya ng lalaking nakasilip sa gate. Nagtaka si Lovi dahil kalilipat lang nila sa townhouse na iyon kaya bakit parang may ide-deliver sa kanya. Isa pa ay hindi naman siya nag-o-order ng kahit ano dahil hindi naman niya alam ang address nila ngayon. At saka gabi na. May nagdi-diliver pa ba kapag gabi na? Ayon kay Jig ay kinuha ni Ryver ang townhouse para sa kanya. Doon niya raw hihintayin si Ryver. Akmang isasara na niya ang pinto at huwag papansinin ang lalaki kahit na binanggit pa nito ang kanyang pangalan. Wala si Jig. Hindi niya nadatnan pagbalik niya mula sa pagsugod niya kay Jella sa bar kanina. May pinuntahan siguro saglit si Jig kaya dapat siyang mag-ingat. “May padala po sa inyo mula kay Ryver Raveza,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD