PART 10

1809 Words
***JELLA*** Jella’s arms akimbo. Pinakitang hindi siya natuwa o kinilig kahit kaunti sa sinabing iyon ni Ryver. “Bakit mo ako pinansyahan? Hindi pa naman ako pumapayag sa offer mo, ah?” “Ang seryoso mo naman,” kantyaw sa kanya nito at tinungo ang fully tufted L-shaped sofa. Prenteng umupo. Nilagyan ng yelo ang wine glass tapos ng mamahaling alak saka umayos ng upo. Pinag-ekes ang mga paa at animo’y nagyayabang na pinaikot-ikot muna ang yelo sa alak bago inumin. Sumunod siya pero hindi umupo. Humalalukipkip siyang nakatayo pa rin. “Puwede ba diretsahin mo na ako kung ano man ang sasabihin mo,” saka may talim sa tinig niya na wika. Nawala ang ngiti ni Ryver. “That’s not yet part of the deal I want. Pinalabas kita dahil hindi ko matiis na ang dati kong kaibigan ay nasa ganoong sitwasyon,” sabi nito bago sumimsim ng mamahaling alak. “Hindi mo ako dating kaibigan,” kontra niya. Natawa si Ryver. “Gusto mong sabihin ko na ex-girlfriend ko noon kaysa dating kaibigan? Naalalala mo pa rin ba ang nakaraan?” She gasped. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin,” at saka madiin na defensive. Namula ang kanyang mukha. Bakit pa ba kasi niya kinontra iyon? Mas nahuli tuloy siya ng gunggong. And she hates herself for looking guilty. “Sabagay nakakatuwa nga naman kapag inaalala ang nakaraan. Kahit ako ay napapangiti kapag naalala ko kung paano ka nagpapansin sa akin noon tapos nakuha mo naman ang loob ko kasi na-cute-an ako sa iyo.” “Kapal mo! Ikaw ang papansin noon hindi ako!” angil niya. At iyon ang totoo. Natawa nang malakas si Ryver. Nang-aasar na tawa. Sa inis niya ay padabog na umupo siya sa tapat nito. Kinuha ang isa pang baso. Sinalinan ng alak at walang anu-anong tinungga. “Huwag kang magpakalasing. We have a lot more to talk about,” ani Ryver. “Pwes, umpisahan mo na,” utos niya. Wala siyang balak gawin iyon. Uminom lang siya upang magkaroon ng pampalakas-loob na sagot-sagutin ang isang tulad ni Ryver Raveza. Ginaya niya ito. Pinagkurus niya ang mga paa at isinandal ang likod sa kinauupuan habang hawak ang baso. Sa isang banda ay nararamdaman niya ang takot nang pinaalala sa kanya na hindi na si Ryver na minsang minahal niya ang kaharap niya ngayon. Pasimple lang niyang nilunok ang laway. "Accept my offer, Jella, and I'll make sure you don't regret it. Ang trabaho mo lang ay turuan si Lovi at wala nang iba pa.” “Ano’ng mapapala ko?” “Tulad ng nauna ko nang sinabi ay five times sa sahod mo sa bar ang ibibigay ko sa iyo.” “Gusto ko ng bagong kotse,” paghamon niya. “Shoot. Walang problema,” ngunit ay mabilis na pagsang-ayon ni Ryver. “Gusto kong ipagawa mo ang bahay nina nanay sa—“ Hindi pa niya natatapos ang sasabihin. “Iyong lang ba? Sige,” ay pagpayag na naman ni Ryver. “Hindi pala,” biglang bawi niya nang may maalala. Hindi nga pala pwede iyon at baka... at baka... Ipinilig niya ang ulo. Magkakamatayan muna sila ni Ryver bago mangyari ang bagay na iyon. Nagtaka man ay nagkibit-balikat ang kausap. “Paano kung aayaw pa rin ako?” tanong niya upang maiwala ang usapan na iyon. “Mas gusto mo pang magsayaw sa maliit na entablado na iyon at mag-entertain ng mga kalalakihan gamit ang katawan mo kaysa sa mas desenteng trabaho na inaalok ko?” Tumikwas ang isang kilay niya. “Desente ang tawag mo roon?” “Of course, dahil hindi mo na kailangang ibalandra ang hubad mong katawan gabi-gabi. Tulad ngayon, look at yourself, Jella. Para kang—“ “Parang ano?” hamon niya. Sa lahat ng gusto niyang pangaral sa kanila sa bar ay ang huwag mapapahamak dahil sa klase ng trabaho nila. Dahil walang babae roon sa bar na nagsasayaw at kumakanta at nag-i-entertain ng mga lalaking malilibog na hindi muna dumaan sa kung anu-anong pagsubok sa buhay bago nila pikit-matang tinanggap ang buhay na ganoon. Walang sinuman ang puwedeng humamak sa kanila dahil mga pok*pok lang sila, dahil walang may alam kung papaano sila lumuha at lumuluha ng dugo para lang mabuhay sa ganoong klase ng trabaho. At lalong walang may gusto, wala lang silang choice. Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Ryver. “Isipin mo na lang na iniaahaon kita sa madilin na mundo mo,” and said sharply. “Kung iyan ang dahilan mo, pwes ayoko. Hindi ko kailangan ang feeling knight in shining armor sa buhay ko.” Padabog niyang ibinaba ang baso sa salaming center table. Tumayo at akmang magwo-walk-out, subalit mabilis na nahagip ni Ryver ang braso niya at pahila siyang pinaharap. Nasubsob siya sa malapad at matipono nitong dibdib. Kung sa ibang pagkakataon at kung ibang lalaki lang ang gumawa niyon ay baka kinilig na siya. Parang eksena lang kasi sa mga K-drama na napanood nila ni Eyrna. “Oras na lumabas ka rito ay asahan mong hindi na kita matutulungan pa, Jella,” he said huskily habang nakayuko sa kanya. “Kaya sana mag-isip ka muna.” Napalunok si Jella. Nang tiningala niya ito ay nagkatitigan sila. “Kaya kong patahimikin ang foreigner na iyon. Hindi ka na niya gagambalahin pa. Hindi ka makukulong. Just tell me that you accept my offer to you and I assure you wala ka nang aalalahanin pa sa buhay,” pakiusap pa sa kanya nito. Ang hitsura ay animo’y babagsak ang mundo nito oras na tatanggihan pa rin niya ang inaalok nito. “Bakit ba kasi ako?” “Maliban sa kailangan mo ng tulong ko at gustong-gusto kitang tulungan ay dahil ikaw lang ang puwede kong pagkatiwalaan sa bagay na ito.” “Paano mo naman nasabi na pinagkakatiwalaan mo ako?” “Noong sinabi ko na ang magiging trabaho mo sa akin ay ang turuan ang aking mistress, pinagkatiwalaan na kita roon. Malamang ay dahil kilala kita.” “Sinabi ko na sa iyo, hindi mo na ako kilala, Ryver. Sampung taon na ang lumipas.” “I know, pero pinaghahawakan ko na lang ang pinagsamahan natin noon.” May hapdi sa dibdib na tinulak na niya ito. Tapos ay napangsinghap siya sa hangin. “Alam mo bang naisip ko na isumbong ka sa asawa mo?” “Alam ko. It was normal though. Kahit sino naman kapag nalaman na may mistress ang isa nilang kilala ay maiisipan talagang magsumbong. Lalo na kung tsismosa, hindi ba?” For a fleeting moment she was speechless. Wala na siyang masabi dahil lahat naman ng sabihin niya ay may panlabana ang kausap. Dinadaan siya sa talino sa pagsagot. Damn him! “All right, if you want more time to think, I'll give it to you. Pero sana huwag mong patagalin hanggang sa magsampa na ng pormal na kaso sa ’yo ang foreigner na iyon at baka wala na akong magawa para pigilan pa,” saglit ay pagsuko ni Ryver. Tumalikod na ito’t bumalik sa kinauupuan. Hindi na siya tiningnan. Tinutok na ang tingin sa iniinom na alak. Napahinga nang malalim si Jella. Naglipat-lipat ang tingin niya sa pinto at kay Ryver. Naguguluhan talaga siya. “Stop staring at me. Baka ma-in love ka ulit sa akin,” suddenly Ryver joked to ease her tension. Inirapan niya ito. Hindi niya ito maunawaan. Minsan seryoso, minsan tila galit, minsan nagbibiro, at minsan parang may gustong ipahiwatig na hindi niya makuha kung ano. Minsan nakaka-in love pati. Na kung hindi niya aawatin ang sarili ay baka abutin niya ang leeg nito at halikan. Anong halikan? lihim na saway niya sa sinasabi nig kanyang sarili. Pinilig niya ang ulo para mawala ang kaisipan na iyon. Pagkatapos ay ang pinto palabas ang tinungo niya kaysa kay Ryver. Hindi puwede na tanggapin niya ang gusto nito. Mas hindi puwede dahil may posibilidad na bumalik rin ang nararamdaman niya noon. Papasok na siya sa elevator nang naramdaman niyang may nagba-vibrate sa bulsa ng kanyang coat. Nang dukutin niya iyon ay cellphone ni Eyrna. Nagtataka siyang napatitig sa touch screen na aparato. “Hello?” may pagdadalawang isip na sagot niya sa tawag. “Sheb, okay ka lang?” “Oo. Bakit nasa bulsa ko ang cellphone mo?” “Lihim kong inilagay kanina at baka kailanganin mo. Alam mo na baka kung ano’ng mangyari sa ’yo na naman. Wala pa rin akong tiwala sa Ryver na iyan kahit ex mo pa.” Napangiti siya sa concern ng kaibigan. Na-touch siya. “Nga pala, tumawag ako kasi tawag nang tawag ang nanay mo rito sa cellphone mo. Buti bumalik ako rito sa bar.” Napatingin siya sa hawak na cellphone ni Eyrna. At nakita niyang number at pangalan niya ang nakalagay sa screen. Ibig sabihin ay cellphone niya ang pinantatawag sa kanya ng kaibigan. “Sheb, nasa ospital sila. Dinala raw sa ospital si Deann,” sabi pa ni Eyrna nang ibalik niya ang cellphone sa kanyang tainga. “Bakit daw?” awtomatiko na nilukoban siya ng matinding pag-alala. Hindi malaman ang gagawin. “Teka sino si Deann?” ngunit kaysa sagutin siya ay tanong din sa kanya ng kaibigan. “Basta! Ano raw ang nagyari kay Deann?” “E-ewan ko,” alumpihit na tinig ni Eyrna. “Basta ang sabi lang sa akin ay sabihin ko raw sa iyo agad. At dahil emergency ay kaya tinawagan kita.” “May load ba itong cellphone mo?” “Oo. Unlicall ‘yan at—“ Hindi na niya narinig ang iba pang sinasabi ng kaibigan. Madaling pinatay na niya ang tawag nito at dinayal ang kabisado niyang numero ng nanay niya. “’Nay, ano’ng nangyari kay Deann?” tanong niya agad sa ina nang sagutin ang tawag niya. “Hindi ko pa alam. Inoobserbahan pa siya ng doktor,” natataranta rin ang boses ng nanay niya. “Ang mabuti pa ay magpunta ka rito. Kailangan ka ni Deann, Anak.” “S-sige po. Papunta na ako. Saang ospital ‘yan?” “Dito kami dinala ng ambulanysa sa Malvaro Hospital.” “Sige po.” Pagkapatay niya sa tawag ay pinindot-pindot niya ang button ng elevator upang sana ay magbukas agad. “Kailangan ka ni Deann, anak,” nang boses ulit ng nanay niya sa kanyang isipan. “Baka hindi na kita matulungan kapag makulong ka pa,” sunod ay ang boses ni Ryver. Kusang tumulo ang kanyang mga luha. Bumagal ang pagpindot niya sa elevator. Hindi siya pwedeng makulong. Mas kailangan siya ngayon ni Deann. Kasabay nang pagbukas ng elevator ay ang pagkabuo ng kanyang desisyon. Tumingin siya sa pinto ng penthouse kung saan lumabas siya kanina. “Tinatanggap ko na ang offer mo. Basta siguraduhin mo lang na hindi ako makukulong,” at namalayan na lang niya na nasa harapan ulit siya ni Ryver Raveza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD