PART 9

1667 Words
***JELLA*** Hanggang sa presinto ay si Eyrna ang tanging umaalalay kay Jella kahit na wala rin naman itong nagawa nang ilagay na nga siya pansamantala sa loob ng selda. Nag-iiyakan at nakikiusap sa mga police ang tangi nilang nagagawa na magkaibigan. Lahat ng katarayan, kakulitan, at kapilyahan ay tumakas pansamantala sa kanilang pagkatao. Takot ang humalili, matinding takot. Pasalamat na lang nila at pinagbigyan sila na manatili si Eyrna. Magkahawak-kamay silang magkaibigan sa rehas. Wala silang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga kasamang nakakulong ni Jella dahil sa hitsura nila na ang kapal ng makeup. Tapos ay sa sexy nilang kasuotan na ang tanging tumatabing ay ang mahabang coat nila. Iyon pa ang kinatakot ni Jella. Dahil sa kasuotan niya ay wagas kung makatingin sa kanya ang parang tomboy na kasama niya sa kulungan. Nagnanasa ang tingin nila sa kanya. “Tawagan mo ulit si mamang,” ani Jella sa kaibigan na ang tinukoy ay kanilang baklang manager. “S-sige. Wait lang.” Sumunod agad si Eyrna. Dinukot ulit sa bulsa ng coat nito ang touch screen na cellphone at dinayal nga ang numero nang kanina pa nila tinatawagan na bakla. Ipinako ni Jella ang tingin sa sahig habang nagdarasal na sana ma-contact na ng kanyang kaibigan ang kanilang manager. Pinanghahawakan pa rin niya ang sinabi nito kanina na tatawagan lang ay susunod na ito sa presinto. Kung bakit out of reach ito ay isinisiksik na lang niya sa isipan na baka busy pa. Umaandar pa rin ang bar kahit na wala na sila roon ni Eyrna dahil hindi naman sila nag-eskandalo, sumama agad siya sa pulis, tahimik na nilisan ang bar, kaya hindi nabulabog ang lugar. Dahilan kaya siguro maraming ginagawa ang manager nila. Malamang ay naiwan sa loob ng office nito ang cellphone kaya hindi sinasagot ang tawag nila ni Eyrna. Sana! “Aisst!” ungol ni Eyrna nang ibinaba ang tawag at muling nagdayal. Napatingin siya rito. Umiling ang kanyang kaibigan. “Wala talaga. Hindi niya sinasagot,” imporma sa kanya ni Eyrna nang sumuko ulit ito kakadayal. Bumukas ang disappointment sa mukha niya. “Baka busy lang,” gayunman ay pampalubag-loob pa rin niya. “Kahit busy iyon ay dala-dala pa rin niya ang kanyang cellphone kaya imposible na hindi niya masagot ang tawag natin kahit saglit lang. Ano naman iyong segundo na sabihing mamaya na tayo tumawag? Isa pa’y dapat nakaabang siya sa tawag natin dahil nando’n siya kanina nang hinuli ka. Alam niya ang ganap,” himutok ni Eyrna. Napatungo siya ng ulo. Tama ang kanyang kaibigan. Sa katunayan ay naisip na rin niya iyon. Imposible na hindi tingnan ng kanilang manager ang cellphone kahit anong busy nito kung totoong concern sa kanya. Pilit lang siyang umaasa na busy lang ang baklang iyon dahil wala naman siyang aasahan ngayon na tutulong sa kanya. “Tama nga talaga ang mga kasama natin sa bar. Oras na makagawa tayo ng mali ay wala na tayong pakinabang sa bar na iyon. Pera lang talaga ang tingin nila sa atin hindi tauhan nila. Bwisit sila!” Nainis na talaga si Eyrna. “Hayaan mo muna. Mamaya ka na lang tumawag, sheb,” alo niya sa kaibigan. Nanginginig ang tinig niya sa nagbabadya niyang mga luha. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Bakit parang kasalanan niya pa ang nangyari at hindi ng sadistang foreigner na iyon? Hindi man nagsalita ay umikot naman ang mga mata ni Eryna at napailing-iling. Makaraang sandali ay nakailang dayal pa ito sa kanilang manager pero wala talaga, hindi talaga sinasagot ng bakla ang tawag nito. Naluha na si Jella. “Huwag kang umiyak. Bukas na bukas ay susugod ako roon. Kakausapin ko ang mga boss. Dapat lang na tulungan ka nila dahil hindi mo naman magagawa iyon kung hindi dahil sa kagustuhan mong magpasok ng pera sa bar,” matatag na saad ni Eyrna. Magkahawak-kamay ulit sila sa rehas. “Miss Jella Galacio, laya ka na pansamantala,” nang bungad ng police. May dalang susi at binuksan ang kulungang rehas. Nagtatakang nagkatinginan silang magkaibigan. Parehas silang nagtataka at the same time ay natutuwa. “Sheb...” Yumakap agad si Jella kay Eyrna. “Huwag ka nang umiyak,” alo sa kanya nito. “Boss? Sir? Paanong nakalaya ang kaibigan ko?” tapos ay tanong ni Eyrna sa police. “May nagpyansa. Nandoon sa labas,” sagot ng police at iniwan na sila. Nagkatinginan ulit silang magkaibigan. “Sino kaya?” tanong niya. May pumasok na na tao sa kanyang isipan. Na sa totoo lang ay naiisip niya na kanina pa. Sinalungat lang niya dahil imposible pang tulungan siya ng tao na iyon gayong pinagtabuyan niya noong isang araw. “Tingnan natin at baka si Mamang.” Excited na hinila siya ni Eyrna. She breathed a sigh of relief. Tama, baka ang manager nila. Sabi na nga ba niya’t hindi rin siya matitiis ng baklang iyon. Nga lang ay nanlaki ang mga mata niya nang itinuro sa kanila ang taong nagpyansa sa kanya. Hindi si Mamang nila. Hindi matabang bakla ang nasilayan ng mga mata nila ni Eyrna kundi lalaking-lalaki. Lalaking naka-jacket ng itim at naka-sumbrero rin ng itim. Itinaas ng lalaki ang isang kamay nito nang makita sila. Simpleng pagbati. “Sino siya?” Naguluhang tiningnan siya ni Eyrna. “Si Jig. Siya ang tauhan ni Ryver,” wika niya. Bigla ay naguluhan siya sa damdamin. Hindi niya alam kung matutuwa siya o hindi na. Gayunman ay niyakag niya si Eyrna palapit sa lalaki. Yumukod bahagya sa kanila si Jig. “Nasaan si Ryver mylabs?” kinikilig na tanong ni Eyrna. “Sumama ka raw po sa akin, Miss Jella,” sabi sa kanya ni Jig kaysa sagutin si Eryna. Iningusan ito ni Eyrna na bubulong-bulong. “Suplado. Akala mo naman kung sinong guwapo.” Kinurot niya ito sa tagiliran para magtigil. “Hinihintay po kayo ni Sir,” sabi pa sa kanya ni Jig. Tumango siya. “Tara, sheb.” Umabresyete si Eyrna sa kanyang braso. “Sorry, Miss, pero si Miss Jella lang po ang puwede kong isama,” ngunit ay sabi rito ni Jig. “Hindi ako kasama?” Nanghihingi ng back up na tumingin sa kanya si Eyrna. Bumuntong-hininga siya. “Sheb, tawagan na lang kita mamaya. Umuwi ka na muna para makapagpalit.” Ayaw man ay napilitang sumunod si Eyrna. Kinawayan na lang niya ito nang paalis na sila sakay sa dalang sasakyan ni Jig, na malamang ay isa sa mga sasakyan ni Ryver dahil mamahalin na sasakyan. Habang nasa byahe ay tahimik lang sila ni Jig. Paminsan-minsan ay sinusulyapan siya ni Jig sa may rearview mirror na hindi naman niya pinapansin. Sa labas ng bintana ang kanyang tingin. Gulong-gulo ang kanyang isip. Tinatanong ang sarili kung bakit nangyayari ito ngayon sa kanya. Kung bakit ngayon lang siya minalas ulit sa buhay ay ang tindi naman. Nagbalik siya sa sarili nang naramdaman niyang tumigil na ang sasakyan. Namalayan na lamang niya na nasa isang basement sila ng malamang ay ng isang magarang building. Nagtataka man ay sunod-sunuran siya kay Jig. Sumakay sila sa elevator. Pinindot ni Jig ang button na may numero na 71. “Nasaan tayo?” hindi niya napigilang tanong. Dahil kung number 71 ang pinindot ni Jig, ibig lang sabihin niyon ay nasa mataas silang building. Building ng isang mamahaling condominium malamang. “Nandito po tayo sa Grand Primea Residences, Miss Jella. Nasa taas si Sir Ryver. Sa penthouse.” Hindi na niya nagawang magtanong pa dahil lumuwa ang mga mata niya. Alam na niya ang saktong kinaroroonan. Nandito sila sa bandang Makati. Kalayaan Avenue for exact. At alam niya ang Grand Primea. Isa sa pinakamatayog na residences. Ang nakalagay nga sa harapan na tarpaulin sa labas na kanyang nababasa tuwing nadadaaanan nila ni Eyrna ang lugar ay The Epitome of a Luxurious City Home. At kung may pag-aari na unit dito si Ryver tapos ang penthouse pa ay talagang hindi na nga basta-bastang tao ang dati niyang nobyo. Gusto niyang malula sa kinatatayuang tugatog ni Ryver. Mula sa rich kid lang noon ay ngayon ay hindi na maabot sa sobrang yaman. Bigla siyang nakaramdamn ng panliliit. Wala na silang imikan ni Jig. Sanay na sanay na ang lalaki na hindi nagsasalita. Typical na bodyguard. Seryoso, tahimik, at parang ready sa lahat ng pwedeng mangyari sa paligid nito. Well, tama lang na sa tulad nito ang maging bodyguad ng isang bilyonaryo na Ryver Raveza. Kung lalamya-lamya at tatanga-tanga ang bodyguard ni Ryver ay malamang noon pa napahamak si Ryver. Sa higit sampung taon ay ilang beses na niyang napanood noon si Ryver sa balita. Kung hindi tinambangan ang sasakyan nito ay pinasok naman sa bahay. Kung paanong nakakaligtaas noon si Ryver ay nasagot na ngayon. Malamang ay dahil kina Jig at Axel na mga tauhan nito. “Pasok na po kayo,” sabi sa kanya ni Jig nang nasa tapat na sila sa nangingintab sa karangyaan na pinto. Pinto pa lang iyon. Tumango at ngumiti siya bago niya ito sinunod. Nasilayan niya agad ang nakatalikod na si Ryver kaya hindi niya masyadong napansin na ang mga magagarang bagay sa loob ng penthouse na kanyang nalampasan. Nasa may malawak at purong salamin na dingding na kinaroroonan ni Ryver. Kitang-kita ang kalangitan na naiilawan ng bilog na buwan na siyang pinapanood nito. At dahil hindi pa yata nararamdaman ni Ryver ang kanyang presensya ay napagmasdan niya ito sa likod. He was lean and beautiful. Hindi eksaherado ang mga muscles sa katawan. Sakto lang. Naalala niya noong high school pa lang sila. Ang daming nagka-crush rito na mga kaklase nila at hindi nila kaklase kaya ang daming tumaas ang isang kilay nang siya ang niligawan nito, lalo na nang sinagot niya. Minsan sa buhay niya ay naging sikat siya dahil kay Ryver. Sikat na gustong sabunutan dahil ang kapal daw ng panget niyang face. Wala sa loob na napangiti siya. “You are still cute when you smile,” bigla ay tinig ni Ryver na umuntag sa kanya. Nabahalang inalis niya ang ngiti sa kanyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD