PART 8

1730 Words
***JELLA*** Natigilan sa paglakad si Jella patungo sa Pegasus Bar nang makita niyang may dalawang police na kausap ang kanilang bouncer na naka-assign sa entrance. “Oy!” Ang nakasunod sa kanya na si Eyrna ay bumangga tuloy sa likod niya. Nagsi-cellphone kasi ang kaibigan kaya nahuhuli ng lakad. “Bakit ka tumigil?” “May nga police, sheb,” mahinang sagot niya. Hinayon ng mga mata ang nakita. Maangas na ngumunguya ng bubble gum na sinundan ng kaibigan ang kanyang tinitingnan. “Halla ka, huhuliin ka na, sheb,” at hindi nakatiiis na biro nito. “Sshh...” Marahang awat niya sa kaibigan na sinamahan ng banayad na siko sa tagiliran nito. Nagawa pang magbiro gayong natatakot na siya. “Gageh, mga dati ko pa silang nakikita na umaali-aligid sa bar. Huwag kang mag-alala mga kakampi natin ang mga iyan.” “Sure ka?” Madaming tango ang ginawa ni Eyrna. “Relax.” Sana nga’y tama ang sinabi ng kanyang kaibigan. Sa loob ng nakalipas na dalawang araw ay malimit siyang hindi makahinga gawa ng pag-alala. Kinakain siya ng pakiramdam na baka bigla ay may lalapit sa kanya na mga police at ihayag na hinuhuli siya sa salang muntik nang pagpatay sa foreigner. Pagkatapos ay lalagyan ng posas ang kanyang mga kamay. “Tara na. Late na tayo.” Halos hindi siya humihinga nang tinuloy nila ang lakad ni Eyrna. Kunwari ay hindi siya apektado sa presensya ng dalawang police na lumakad papsok. “Hi, sir,” ang bruha niyang kaibigan, nagpapansin pa. Ngumising napatingin sa kanila ang dalawang police. Mga mukhang manyak din. “Pasok ka,” anyaya pa ni Eyrna sa isa kasabay nang may paglalandi na paghaplos nito sa dibdib. Ngani-ngani ay batukan niya ito dahil hindi na lang madaliin ang pagpasok. Mas pinapakaba siya sa ginagawa nito, eh. Nasundan pa ng hindi niya gustong makita pa na mga nilalang nang ay nahagip ng tingin niya si Jig sa loob ng bar. Hindi sinasadya ay naibuking ng tauhan ni Ryver ang presensya na dapat ay nakatago lang sa kanya. Ibig sabihin ay totoo nga ang sinabi ni Ryver na nasa paligid-ligid lang niya ang tauhan nito. Naghihintay na kailanganin niya ang tulong nito. Buwisit sila! Nag-inhale at exhale siya. Pinatibay niya ang dibdib. Kailangan niyang mag-relax upang hindi siya mabaliw. At inabala na nga niya ang sarili sa trabaho. Hindi na niya pinansin masyado ang paligid. Nairos niya ang dalawang sayaw niya sa gabi na iyon na walang aberya at tila wala siyang pinangangambahan. Gayon na nga lang ang gulat niya nang dalawang naka-jacket na lalaki ang lumapit sa kanya kasama ang manager nila pagkatapos niyang magsayaw ng pangalawa. “Jella, may naghahanap sa iyo,” sabi sa kanya ng manager nilang bakla. “Ikaw ba si Jella Galacio?” hindi pa man niya naitatanong kung sino ang mga ito ay tanong na sa kanya ng isa. “O-opo, Sir. Bakit po?” Ipinakita ng isa ang chapa nito. “Mga police po kami at inaanyayahan po namin kayo sa presinto.” Pakiramdam niya tinatambol ang puso niya ng mga sandaling iyon. Nakailang lunok siya. Ito na ang kinatatakutan niya. “Ano bang nagawang kasalanan ng alaga ko?” usisa ng nagtatakang manager nila. “May biktima po kasi na pananaksak at ang pangalan niya ay Smith Grylls. Nagkamalay na po kanina ang biktima at tinuro niyang salarin sa muntik na niyang pagkamatay ay ang pangalang Jella Galacio na nagtatrabaho raw rito sa Pegasus Bar,” mahinahong paliwanag ng police. Pabiglang tingin ang manager sa kanya. Naiiyak niyang sinalubong ito ng tingin. Nagpapasaklolo na tingin. Wala pang alam ang manager nila dahil hindi niya pa sinasabi rito ang nangyari. Natatakot siya at baka tanggalin siya sa trabaho o suspendehin. Noon din ay ang paglapit sa kanya ni Eyrna. “Sheb, bakit daw?” “Eyrna, samahan mo si Jella. Sumama kayo kina Sir. Balitaan niyo ako kung ano ang mangyayari,” sabi ng manager kay Eyrna. Nagkatinginan sila ni Eyrna. Hinawakan siya nito sa kamay. Pinisil. Sinasabing magiging okay lang ang lahat. “Sinaktan ng foreigner ang kaibigan ko kaya nagawa niya ‘yon. Kahit tingnan niyo ang likod niya, ang dami niyang pasa at paso ng sigarilyo,” pagkuwan ay sabi ni Eyrna sa dalawang police. “Sa presinto na lang po magpaliwanag, Ma’am.” Ngunit ay hindi pinakinggan iyon. Bagkus ay hinawakan na ng police ang braso ni Jella. Iniskurtan na siya. “Sige na at baka makaagaw kayo ng pansin sa mga customer natin at matakot sila. Susunod ako kapag kailangan. Tawagan niyo lang ako,” may assurance na wika ng manager nila. Nagtiwalang tumango si Jella sa baklang manager kahit na alangan siyang tutulungan nga siya sa asunto niya. Ilang babae na ba rito sa bar ang nasangkot sa ganitong sitwasyon? Pero ano’ng ginawa sa mga nasa taas nila? Wala. Mas pinili pa ring protektahan ang negosyo nila. . . . ***RYVER*** Gayon na lang ang pagtataka ni Ryver nang pagdating niya sa tinutuluyan niyang penthouse ay abutan niyang naghihintay sa kanya si Eusha. Sa mga nagdaang araw na suliranin niya ang pasaway na si Lovi at nang sa muling pagkukuros ng landas nila ni Jella ay ni hindi sumagi sa isip niya ang asawa. Hindi niya inasahan na uuwi na ito mula States. Isang taon din na nanatili roon ang asawa dahil sa pagpapagamot. Pinapagamot nito ang sarili upang magbuntis na dahil nagkakaedad na ang kanyang asawa. Sa kasamaang palad ay wala pa ring mabuting resulta ayon na rin sa huli nitong tawag. At dahil laging nasa malayo si Eusha ay mas pinili na ni Ryver na tumira sa binili nitong penthouse kaysa sa modern mansion na bahay nilang mag-asawa. “Hi, hon,” nakangiting salubong sa kanya ni Eusha. Ginawaran siya ng sabik na sabik na halik sa mga labi. “Kanina pa ako rito. Why are you taking so long to come home? Where have you been? Business meeting?” "Why didn't you say you were coming home? I could have picked you up at the airport,” walang siglang tanong niya at naupo sa magarang sofa. Tinabihan siya ng asawa. Naglalambing na pumulupot ito sa kanyang leeg. “I know you’re busy, kaya hindi na kita inabala pa.” Muli siyang tumango. “How was your flight then?” “Boring,” simpleng sagot ng asawa. “Wait, why don't you seem happy that I came home?” “Pagod lang ako,” palusot niya. Nagkibit-balikaw ang asawa. Hindi naniniwala. “Is that so?” “Ano na naman?” Ang sweet na mukha ng asawa ay unti-unting naging seryoso. “You know I'm not a fool, Ryver. Malaman ko lang na may katarantaduhan ka na namang ginagawa ay alam mo na ang mangyayari.” “Ikaw lang kasi ang nag-iisip ng mga bagay na ganyan. Sobrang busy ko na sa Lofty. Do you think I still have time for things that are of no use to me? Matutulog na lang ako, nakatulong pa.” Tinitigan siya ng asawa. Pagkuwan ay bumalik ang sigla nito. Pekeng sigla. “Okay. May tiwala pa rin naman ako sa’yo, hon.” Pekeng ngumiti rin siya rito. Noon pa man ay batid na nilang mag-asawa ang pagiging plastik nila sa isa’t isa. Na normal lang siguro sa tulad nilang kinasal lang dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya. Kinasal sila na walang pagmamahal sa isa’t isa. Parehas napilitan. Noong una nga’y magkaaway sila ni Eusha. They are just forced to get along with each other because whether they like it or not, they were husband and wife already. At sa sampung taon na nilang pagsasama ay si Eusha lang lagi ang umiitindi sa kanya dahil mas matanda ito sa kanya. Si Eusha ay nag-forty-year-old na noong nakaraang kaarawan nito. Habang siya ay going thirty pa lang. Sampung taon na gap na siyang dahilan kung bakit ayaw niya noon kay Eusha. Ngunit dahil natali siya sa Canada sa paglilinlang sa kanya ng mga magulang, kahit gusto niyang umuwi ng Pilipinas, even ang tumakas, ay wala siyang nagawa. Nakita na lang niya ang sarili niya na engage sa isang matanda kung ituring niya noon. Hinintay lang na maka-graduate sila ng high school at pinakasal na sila. “Kukuha kita ng maiinom.” He stood up. Ngunit hinawakan siya ni Eusha sa kamay at hinila paupo. Tapos ay naglalambing na sinandal nito ang ulo sa kanyang balikat. “No need. I’m not thirsty, hon. Ang gusto ko ay katabi ka. I terribly missed you, hon. Did you miss me, too?” “Of course,” he lied. “Kung gano’n ay give me your time tonight. Gawa tayo ng baby,” desperadang magkaanak na bulong sa kanya. Umahas ang mga bisig nito sa leeg niya. Nagsimulang kumilos ang mga labi nito sa leeg niya. “Eusha...” Kumawala siya. Hindi siya nakakaramdam ng init dahil noon pa man ay wala nang dating sa kanya ang asawa. Ang iilang beses na sinipingan niya ito ay pilit na pilit. Kung hindi man ay sinasadya niyang uminom. Hindi naman siya masisisi nito dahil una pa lang ay sinabi na niya rito na hindi niya masisiguro kung maibibigay niya rito ang responsibilidad niya sa gabi dahil hindi niya ito mahal. Ang meron lang siya para rito ay respeto. “Oh, come on, hon. Pagbigyan mo naman ako. Paano ako magkakaanak kung wala kang cooperation na asawa ko?” tulad ng inasahan niya ay tumaas ang boses ni Eusha. Wala siyang maisip na palusot kaya naman nang tumunog ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa ay laking pasalamat niya. “Sagutin ko lang. Baka importante,” aniya sabay tayo uli. Kinuha niya ang maliit na aparato sa kanyang bulsa. At may kung anong katuwaan na naramdaman siya nang nakita niyang si Jig ang tumatawag. “Yes, Jig?” sagot niya. “s**t you,” narinig niyang mura ni Eusha sa kanya. Paglingon niya sa asawa ay pa-walk out na ito. Napabuntong-hininga na lamang siya. Minsan ay nagi-guilty siya sa pagre-reject niya kay Eusha. Pero ano’ng magagawa niya kung sa bawat pagdidikit ng mga balat nilang mag-asawa ay ipinapaalala lamang sa kanya ang ginawang pagtatraydor sa kanya ng Mommy at Daddy niya? “Sir, nandito kami sa presinto. Dinampot na ng mga police si Miss Jella,” pagbabalita sa kanya ni Jig. “What?!” Nakusot ang kanyang mukha sa kabiglaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD