****** JELLA ***** “Wow!” tuwang-tuwa si Deann nang pagbuksan sila ng dalawang guwardya ng Star City. Bigla ay nagliwanag ang buong paligid ng sikat na pampamilyang pasyalan. “Bukas naman pala,” naginhawang naibulalas din ni Jella. Inakala niya kaninang pagbaba nila sa sasakyan ay sarado ang pasyalan dahil walang katao-tao. Inisip niya rin ay dahil gabi na. Baka maagang nagsara. At nalungkot siya para sa anak. Last week nang sinabi ni Ryver na mamasyal sila sa isang amusement park ay excited na excited na ang kanilang anak. Walang araw na hindi siya tinanong kung kailan sila mamasyal, pati na kay Aling Reo kaya naman siguradong masasaktan sana ito kung sarado nga. “Let’s go inside,” malawak ang ngiting wika ni Ryver. Mula sa likod nila dahil nag-park pa ng sasakyan kaya nahuli konti
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books