******JELLA ***** Isasara na dapat ni Aling Reo ang gate ng bago at malaking bahay ni Ryver nang mayroong magarang sasakyan na pumarada. Nakunot ang noo ng matanda. Hinintay nito ang taong lulan niyon na lalabas. Kulay pulang heels ang makikitang lumapag sa sementong kalsada tapos ay makikita ang makinis na legs. Lalong nangunot ang noo ni Aling Reo. Walang sinabi si Ryver na bisitang darating kaya takang-taka ito at medyo may kaunting kaba sa dibdib. “Nanay Reo!” Pero nang lumabas doon ang napakagandang babae at patiling tinawag siya ay napakabilis na napalitan nang sobrang kasiyahan ang pagtataka ni Aling Reo. “Rucia!” Kay bilis din na nilapitan ng matanda at mahigpit na yumakap ang dalagang kaibigan ni Jella. Si Rucia Manrique, ang isa sa mga sheb ni Jella maliban kay Eyrna. “K