***** JELLA ***** "Rucia, sandali!" Hinuli ni Jella ang braso ni Rucia at hindi pinakawalan nang nahabol niya. "Bitawan mo ako, sheb. Gusto ko nang umuwi," lumuluhang pakiusap ni Rucia. Inaalis nito ang kamay niya sa pagkakahawak niya pero walang lakas kaya hindi nito makalas-kalas. "Akala ko ba gusto mong kausapin si Aman? Bakit naduduwag ka na naman?" Kaysa bitawan ay mas hinigpitan pa niya ang kamay niya sa braso ng kaibigan. "Nakita mo naman, 'di ba? May humalik sa kanya na babae." Rumagasa ang mga luha ni Rucia. Halos hindi nito makayanan ang sobrang sama ng loob. "Ano naman ngayon? Malay mo kapatid niya o kaya kaibigan. Puwede ring client nila. Parang hindi mo naman kilala ang mga mayayaman. Lahat naman hinahalikan nila. Naalala mo sa bar?" konsolo niya rito. Muntik na siyang m