CHAPTER 8

2078 Words
GEORGE HINDI ako agad nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko pa rin lubos maisip nang tinawag ni Grant ang aking pangalan habang may kaniig itong babae. I was supposedly going to his unit today. Ngunit pakiramdam ko ay wala akong lakas na makaharap siya matapos ang tagpong iyon kagabi. Imbes tuloy na marami akong masulat ay buong gabing inukopa ni Grant ang aking isip. Pilit kong hinahanapan nang rason ang pagbanggit niya sa aking pangalan but I didn't come up with anything. Mas lalo lamang gumulo ang aking isip dahil sa aking nararamdaman. Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako nang katok mula sa pinto. Nagbalik-balik ako ng lakad sa loob ng aking silid. Nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi. Baka hindi naman si Grant iyon? Pero wala naman akong ibang bisitang inaasahan. Lahat ng mga kaibigan ko ay tumatawag bago pumunta rito dahil alam nilang ayaw kong naiistorbo kapag nagsusulat ako. Kaya naman malakas ang kutob kong si Grant iyon. "Ano bang gagawin ko?" natutulirong tanong ko sa aking sarili bago ginulo ang aking buhok. Halos dumugo na ang aking pang-ibabang labi dahil sa riin ng aking pagkagat. Sa huli, napagdesisyon kong magpanggap na lamang na wala dito sa bahay upang hindi na niya ako muling guluhin pa. Ilang saglit pa nga ay nawala na ang mga katok sa aking pinto. Bahagya akong nakahinga nang tuluyan na niya akong lubayan. Mag-aalas dose na nang tanghali ngunit ngayon pa lamang ako babangon. Pakiramdam ko ay wala akong lakas ngayong araw para kumilos. Pero kahit gaano ko pa gustong manatiling nakahalita sa kama. Kailangan ko nang tumayo at simulang magsulat muli. Kulang isang buwan na lamang ang deadline na ibinigay sa akin ng editor ko. Matapos maligo ay agad akong lumabas ng aking kwarto upang maghanda ng aking kakainin. Hindi pa man ako nakakailang hakbang mula nang lumabas ako sa akin kwarto ay bigla akong napatalon sa gulat nang mabungaran ko ang bulto ni Grant.Nakasandal ito sa nakasaradong pinto at nakakrush ang mga kamay sa harap ng dibdib habang nakataas ang isang kilay at nakatingin sa akin. "W-What are you doing here?" gulat na gulat kong tanong. "Are you avoiding me?" kastigo niya. "B-Bakit ko naman gagawin iyon?" awkward kong sagot saka patay malisyang dumiretso sa loob ng kusina at sinimulang magtimpla ng kape. Kalmado ang aking panlabas na itsura ngunit halos magwala ang aking puso dahil sa labis na kaba. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ko sinagot ang kanyang katok. "You're supposed to go to my unit today," narinig kong turan niya na hindi ko namalayang sinundan niya pala ako dito. "I-I've overslept. Anong oras na kasi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan ko. Hindi ko sinubukang lingunin siya o tingnan man lang ang kanyang mga mata dahil natatakot akong mabakas niya sa aking mukha ang tunay kong nararamdaman. "Why do I get the feeling that you're deliberately trying to avoid me?"  Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa likod ng aking tainga. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo," mariin kong tanggi saka dali-daling umalis sa aking kinatatayuan upang bigyang distansya ang aking sarili mula sa kanya. Ngunit bago ko pa man iyon tuluyang magawa ay agad na niyang itinukod ang kanyang dalawang kamay sa sink na nasa aking harapan dahilan upang makulong ako sa pagitan ng kanyang mga braso. Kumakabog ang akin dibdib dahil sa labis na kaba. Damang-dama ko ang init ng kanyang katawan na bahagyang nakadikit sa aking likod. Wala akong ibang nagawa kung hindi yakapin ang aking sarili. Hoping that it would protect me from this unknown heat that starting to engulf my whole body. Kahit kailan ay hindi ko pa naranasan ang bagay na ito. I've met a lot of men but no men can make me feel this heat like Grant did. "You heard me right?" bulong niyang muli na talaga naman nagkapagpataas ng lahat ng balahibo ko sa katawan. "H-Heard what?" maang-maangan ko. "Say your name while I was pleasuring myself," bulong niyang muli sa aking tainga. Hindi ko na kaya ang ginagawa niya. Matapang akong lumingon sa kanya saka buong lakas siyang tinulak papalayo. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil tila ito na rin ang nagkusang maglagay ng distansya sa pagitan naming dalawa. "Bastos ka talaga! Hindi 'yon ang usapan natin!" mataray kong sigaw sa kanya. "Saka p'wede ba, stop flirting with me!"  "Well, I already change my mind," payak na sagot nito saka prenteng umupo sa upuan na nasa harap ng lamesa sa loob ng kusina. "Hindi p'wede 'yon! May usapan tayo!" giit ko bago dali-daling lumapit sa kinauupuan niya. "Yes, we did. And I already fulfill our agreement last night," turan nito. "I better get going then," wika nito saka mabilis na tumayo at lumabas ng kusina. Ako naman ay labis na naguluhan sa kanyang tinuran. "S-So, when will be your next s*xcapade?" kunwa'y kampante kong tanong. Bahagya itong tumigil sa paglalakad saka lumingon sa akin. "No more peaking for you, Little Missy," nakangising turan niya saka mabilis na tumalikod. "What?!" malakas kong sigaw saka dali-dali siyang hinabol bago malakas na hinablot ang kanyang braso dahilan upang mapalingon itong muli sa akin. "What do you mean?" Halos lumuwa ang aking mata dahil sa pagkagulat. "I'm don't like our deal anymore," payak nitong sagot. "But we had a deal! Isang linggo akong naglinis ng napakaruming unit mo pagkatapos isang gabi lang ang ibibigay mo sa akin? That's unfair! Hindi ako papayag!" mariin kong giit sa kanya. "Well, wala naman tayong usapan that it has to be one is to one ratio. I let you listen to me last night. So, for me I already do my end of the bargain. If you'll excuse me," paalam niya saka muling tumalikod. "Wait!" agap kong pigil sa kanya saka mabilis na pumunta sa kanyang harapan at malapad na idinipa ang aking mga braso upang mapigilan siyang lumabas ng pinto. "Teka, teka lang!"  Walang ganang tumingin ito sa akin na tila ba hindi makapaniwalang ihinarang ko ang aking sarili sa pinto upang hindi siya makalabas. "Move, Little Miss," banta niya habang unti-unti humahakbang papalapit sa akin. "No," matigas kong sagot saka pilit na nilabanan ang matalim niyang mga titig.  Binalot ako ng kaba nang makita ko ang nakakalokong ngisi na naglalaro sa kanyang mga labi. Marahan itong yumuko upang magpantay ang aming mga mata habang ang aming mga mukha ay ga hibla na lamang ang pagitan. "If you don't move, I'm going to ravish your delightful mouth until I had enough," pabulong niyang banta bago bumaba ang kanyang mga mata sa aking mga labi. "Make me," ganting banta ko sa kanya. "As you wish," huling turan niya bago niya mabilis na sinakop ang aking mga labi.  Halos lumawa ang aking mga mata dahil sa pagkagulat. Nanatiling nakadipa ang aking mga kamay at tila ba nakalimutan ko ng kumilos. Hindi ko malaman ang aking gagawin. I'm a virgin worst, this is my first kiss! Mas lalo kong nahigit ang aking hininga nang subukan niyang ipasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Hindi ko alam ang aking gagawin kaya pilit kong pinagdidikit ang aking mga labi upang mapigilan ang mapangahas niyang dila. "Open your mouth for me, Sweetheart," bulong niya nang bahagya siyang tumikal sa paghalik sa akin. Ngunit ang mas labis kong ipinagtaka ay nang tila alipin akong sumunod sa kanyang utos. Wala sa sarili kong inawang ang aking labi upang bigyang laya ang kanyang mapangahas na dila na makapasok sa aking bibig. Isang hindi pamilyar na init ang nagsimulang gumapang sa aking balat nang tuluyan niyang masakop ang aking mga labi. Ang aking mga braso ay dahan-dahang bumaba sa aking gilid at saka tila aliping ginaya ang bawat galaw ng kanyang labi. "Ouch, f*ck!" malakas na turan ni Grant nang hindi sinasadyang nakagat ko ang kanyang labi. "I'm sorry! I'm sorry!" dali-daling hingi ko ng paumanhin. Agad kong inalis ang kanyang kamay na nakahawak sa kanyang labi. Mabilis kong tiningan iyon upang makita kung lumikha ba ng sugat. "Sh!t, sorry," natatarantang turan ko nang makita ko ang bahid ng dugo sa kanyang mga labi. "You didn't know how to kiss?" tanong niya. Tila naman umakyat ang lahat ng aking dugo sa aking ulo dahil sa pagkapahiya. Ayaw ko mang aminin ngunit paano ko nga itatanggi ang kawalan ko ng karanasan sa bagay na ito. "How old are you?" tanong niyang muli habang may pilyong ngiti ang naglalaro sa kanyang mga labi. "Ano bang paki mo?" pagtataray ko upang pagtakpan ang aking pagkapahiya. "Am I your first kiss?" tila pang-aasar niyang tanong. "Of course not!" mariin kong tangi. Wala nang mas nakakahiya pa sa isang twenty five year old na ngayon pa lamang naranasan ang kanyang unang halik. I would never give him the satisfaction of annoying me with that information. "Liar," nakangising turan niya. "Isipin mo ang gusto mong isipin," I dismiss him. Agad akong umalis kanyang harapan upang bigyan distansya ang aming mga katawan. Hindi ko na kasi sigurado kung kakayanin ko pang pigilan ang aking sarili kung sakaling bigla na naman niyang sakupin ang aking mga labi. Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. Hanggang ito na mismo ang bumasag niyon. "Your method for writing a story is lame. You can't rely your ability to write with someone else," turan niya. "When you let indulge yourself in that kind of method, sooner or later you'd become dependent to that and you would eventually lose your ability to write on your own," dagdag pa niya. Bahagyang kumunot ang aking noo dahil sa kanyang tinuran. Not because he's wrong but for the reason that he's precisely right. Alam ko naman ang bagay na iyon. Masyado lamang akong nagpadala sa excitement ko nang marinig ko ang kanyang ungol at pagkatapos ay biglang gumana ang imahinasyon ko dahilan upang makapagsulat akong muli. "Like you know what you're talking about," sarkastikong turan ko. He chuckled, "Believe it or not, I know what I'm talking about." "Tutulungan mo ba ako o hindi?" mataray kong turan sa kanya. Humugot siya nang malalim na hininga saka mariing pumikit. Matapos iyon ay agad din itong dumilat at matiim na tumitig sa akin.  "We have to ignite your spark," turan niya. "What?" takang tanong ko sa kanya. Ang spark lamang kasing alam ko ay ang spark sa pagitan ng dalawang tao kapag nagugustuhan nila ang isa't isa. Katulad nang nararamdaman ko para kay Grant sa tuwing magtatama ang aming paningin at magdidikit ang aming balat. "You have to go out to ignite your imagination so you'd stop relying on my moan," turan niya. "P'wede ba. This is my method of writing. Ilang libro na ang na-published ko at naging best seller dahil sa sariling method ko ng pagsusulat. Kaya wala kang karapatan upang sabihin sa akin kung ano ang pwede at dapat kong gawin," mataray kong turan habang magkakrus ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib. "Okay, fine!" wika ni Grant saka itinaas ang dalawang kamay na tanda ng kanyang pagsuko. "That's my offer. If you don't like it then I should leave now," sagot ni niya saka mabilis na tumalikod at malalaki ang hakbang na nagtungo sa pinto. Sandali akong nag-isip. I don't have much time para pag-isipan ang offer ni Grant. Ngunit kung wala ang tulong niya mas lalong malaking problema iyon para sa akin. "Fine!" malakas kong sigaw dahilan upang mapatigil siya at mapalingon sa akin. "If your suggestion didn't help me get back to my phase then we're going back to my method. Understood?" mariin kong turan. "Aye, Captain," nakangising sagot niya saka marahang sumaludo.  Inirapan ko lamang ito bilang sagot sa kanya. "Now, where's my coffee?" muling turan niya. "Wala ka bang pambili ng coffee maker mo?" inis kong wika sa kanya saka mabibigat ang mga paang nagtungo muli sa kusina. "I like your coffee better. It has a certain combination of sweetness and bitterness that makes your coffee a bomb," wika niya habang nakasandal ang kanyang balikat sa hamba ng pinto. "Your sweet tongue won't work on me," turan ko sabay irap. "So you agree?" he asked. "Agreed on what?" takang tanong ko. "That my tongue is sweet?" tanong niyang muli habang may pilyong ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi. "That's not what I mean!" mariin kong tanggi habang pakiramdam ko ay sasabog na ulo ko dahil sa pagkapahiya. Habang ang damuhong iyon ay halos mapilipit at maglupasay sa sahig dahil sa kakatawa. ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD