CHAPTER 9

1913 Words
GEORGE "If you don't mind, let me see your manuscript," turan ni Grant sa akin. Nagdadalawang-isip man ako dahil hindi ako sanay na ipabasa ang aking manuscript sa iba lalo na habang hindi pa ito tapos. Sa bandang huli ay wala rin akong ibang nagawa kung hindi ang ipabasa sa kanya iyon. Inirapan ko muna siya bago umakyat sa aking kwarto at kinuha ang aking laptop. "Do you love to read?" usisa ko sa kanya nang makabalik ako dala ang aking laptop mula sa aking silid. "Nope," maikli niyang tugon saka kinuha ang laptop mula sa akin saka mabilis na umupo sa mahabang sofa na naroon sa sala. Nakakunot ang aking noo na sumunod sa kanya at umupo sa kanyang tabi. "Eh, bakit mo pa pinakuha sa akin ang manuscript ko? Para titigan?" mataray kong puna sa kanya. "I may not like reading but I know how to see a good book," turan niya habang mariing nakatutok ang mga mata sa mga letra na nasa kanyang harapan. "You have a good writing style," komento niya. "By the way, why erotica?" usisa niya. Tila umakyat ang lahat ng aking dugo sa aking mukha dahil sa kanyang tanong. "I grew up reading erotic novels. At simula noon pangarap ko ng makapagsulat at makapagpublish ng sarili kong libro. Awa ng Diyos ay natupad ko naman iyon," paliwanag ko. "Where did you get your reference?" tanong niyang muli. "Pornsites and other erotic novels," payak na sagot ko habang pilit kong pinapako ang aking paningin sa harap ng monitor. "That's lame," komento niya. Napanganga ako dahil sa kanyang tinuran. "Excuse me!" tila gulat at hindi makapaniwalang bulyaw ko sa kanya. This is the first time that someone told me that my story is lame. "Para sabihin ko sa 'yo, ilang bestselling stories na ang na-published ko!"  "Hey! I didn't mean your story. Your process is lame, that's what I mean," depensa niya. "Kahit na, it works for me kaya hindi mo p'wedeng sabihin na lame ang method ko," inis kong turan sa kanya saka mabilis itong inirapan. "Okay, my bad. I'm sorry for telling you that your process is lame," hingi nito ng paumanhin. Irap lamang ang tanging naging sagot ko sa kanya saka muling ibinalik ang aming mga mata sa harap ng monitor. Matapos ang kalahating oras naming pananahimik ay natapos na rin niya sa wakas ang iilang chapter kong naisulat. Pati na rin ang ginawa kong plot outline nito. "This is more on romance than erotic novel," umpisa niya. "You think so?"  "Yes. Your lack of experience is definitely showing in your writing," paliwanag niya. "But it's been like this since I started writing and all of my novels turns out okay," giit ko pa. "That's because it's your first time. You're still enthusiastic about it and ready to take a risk. Mas wild ang imagination mo dahil nga bago pa lamang ang bagay na ito sa iyon. At habang tumatagal nawawala na ang excitement, ang natitira na lamang ay ang purong talento," paliwanag niya. "I-Ibig sabihin ba no'n, wala talaga akong talent sa pagsusulat?" malungkot kong turan. "No, of course not! That's not what I mean. Why do you think writer continuous to attend workshop and other stuff?" turan niya. Bahagya akong natahimik dahil tinamaan ako sa huli niyang sinabi. Our publishing house is always conducting a workshop for their writers. But I'm too proud to join workshop. I don't think I need that since I've been writing a lot of good stories these past few years. Ngayon ay naiintindihan ko na ang kahalagahan ng patuloy na pag-aaral. Siguro ay kung hindi lang ako naging mapagmataas noon ay baka wala ako sa kalagayan ko ngayon. Hindi sana ako nahihirapang magsulat at tumapos ng aking akda. "What should I do?" Tila nagsisimula na akong mawalan ng pag-asa. "Don't worry. I'll help you," malambing na turan ni Grant saka masuyong hinawakan ang aking kamay. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaibang init dahil lamang sa simpleng paghawak niya ng kamay ko. Agad na naghurumintado ang aking puso dahil lamang sa pagkakadikit ng aming mga balat. "You just have to get some experience," dagdag pa niya. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang tinuran saka mabilis na iniyakap ang aking braso sa aking sarili. "Bastos!" sambit ko. "What?" gulat naman niyang tugon. Saka bumaba ang kanyang mga mata sa aking braso na nakayakap sa aking sarili. Pagkatapos noon ay agad itong bumunghalit ng tawa. "That's not what I mean," natatawang turan niya.  "What do you mean then?" inis kong turan sa kanya habang pinaniningkitan ito ng mata. "Leave that to me. Just be ready later tonight," nakangiting wika niya. "Okay, fine." Tumayo na ito at nagpaalam saka mabili na naglakad patungo sa pinto. "But if this didn't work, my first offer still stands," habol pa niya bago tuluyang lumabas ng aking unit. Napakunot ang aking noo habang pilit na inaalala kung ano ang bagay na tinutukoy niya. Maya-maya pa ay agad na namula ang aking mukha nang mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy niya. It was his first offer that I should spend the night with him rather than just listening. "Ang manyak na 'yon talaga!" di ko mapigilang sigaw dahil sa labis na inis dito. *************** MATAPOS ang huli naming paguusap ni Grant ay agad din itong lumabas ng aking unit. Narinig kong tumunog ang kanyang motor at saka mabilis na humarurot iyon. Ang sabi niya ay may importante daw itong pupuntahan but we're going to go out pagbalik niya. Hindi ko na inusisa kung saan siya pupunta because I don't want to sound like a nagging girlfriend. At saka wala naman akong pakialam kung anong gawin niya outside of our engagement. Ang importante lamang sa akin ay ang matapos ko ang aking nobela bago dumating ang aking deadline. His words leave a mark on my mind. Tama siya, hindi ako dapat umasa sa ibang tao para lamang makapagsulat. I've been writing for years now that's why I don't understand why am I suffering from this writer's block.  Mag-iisang oras  na rin akong nakatitig sa aking laptop. Naghihintay nang mga ideya na maaaring pumasok sa aking isip. Hindi ko alam kung blessing bang matatawag ang pagtunog ng aking cellphone dahil sa wakas ay nagkaroon ako ng dahilan upang lumubay sa aking laptop. "Blessie, napatawag ka?" bungad ko kay Blessie na isa ring manunulat sa publishing house na pinagtatrabahuhan ko. "George, saang lupalop ka na naman ba nakabaon at hindi kita mahagilap?" tugon naman niya. "Alam mo namang hindi ako naglalabas kapag nagsusulat ako," sagot ko sa kanya. "Bakit ba wala ka dito sa opisina?" tanong nito. Mayroon kasing meeting ang mga writer ngayon sa opisina ngunit dahil sa nangyari kagabi ay hindi ko nagawang bumangon upang umalis. Nagtext na lamang ako sa aking editor at nagdahilan na lamang ako na masama ang aking pakiramdam at hindi ko kayang tumayo. Mabuti na lamang at naniwala naman ito at hindi na ako pinilit na pumunta. Tutal naman daw ay simpleng meeting lang iyon at hindi naman gaanong kaimportante. "Masama kasi pakiramdam ko," pagdadahilan ko. "Naku! Hindi mo na naman nakita ang gwapong anak ng may-ari nitong kompanya at bago nating boss. Napakagwapo! Kung hindi lang nakakahiya ay baka naglupasay na ako sa sobrang kilig nang mahawakan ko ang kanyang kamay," kilig na kilig na kwento ni Blessie. "Iyan lang ba ang itinawag mo?" walang interes kong sagot sa kanya. Dati pa man ay alam ko ng magagandang lalaki ang mga anak ni Mr. Montenegro. Halata naman ang kagandahang lalaki ng matanda kahit na nga ba may edad na ito. Kaya hindi na ako magtataka kung gwapo rin ang mga iyon.  "Napakadead kid mo talaga! Parang tuyot na ata ang kilig d'yan sa katawan mo," pang-aasar nito. "Hindi naman sa gano'n. Hindi na kasi ako nagulat dahil gwapo naman talaga si Sir Manuel," turan ko. Si Sir Manuel ang bunsong anak ng matandang Montenegro. Minsan ko na itong nakita noon sa year-end party ng kompanya. "Ano ka ba! Hindi si Sir Manuel ang tinutukoy ko. Si Sir Sebastian, yung panganay," pagtatamam niya. "Hindi ba siya ang papalit kay Mr. Montenegro?" takang tanong ko. "Ano ka ba! Hindi ka talaga nakikinig. 'Yong panganay na anak ang papalit na CEO, si Sir Sebastian. Madalas itong nasa New York kaya madalang nating makita," paliwanag pa nito. "Hmmmmm," taking naging sagot ko. "Ewan ko sa 'yo," inis na turan ni Blessie sa kabilang linya. I can't help but laugh. Sanay na ang mga kaibigan ko sa pagiging introvert ko. Pero hindi ko pa rin mapigilang matawa sa tuwing naiinis sila sa akin. "Alam mo naman kasing wala akong interes kapag lalaki ang pinag-uusapan," paliwanag ko sa kanya. "Paano ka magkakaboyfriend n'yan?"  "Eh, sino bang nagsabing gusto ko ng magboyfriend?" mabilis kong tugon. "As in wala man lang nagpaparamdam sa 'yo kahit konting kilig at pahuhurumintado ng iyong puso?" pangungulit pa nito. Bahagya akong natigilan dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang pumasok sa isip ko ang mukha ni Grant. Na tila ba ito agad ang una kong naisip nang marinig ko ang salitang kilig. Iyon nga ba ang tawag sa kakaibang damdamin na aking nararamdaman sa tuwing maglalapit ang aming mga katawan? "Hoy! Natigilan ka na d'yan?" untag ni Blessie sa kabilang linya. "Sorry, sorry. May iniisip lang ako," wika ko. "OMG! Sino?!" malakas na sigaw ni Blessie. Bigla naman akong nataranta dahil sa kanyang tinuran. "Huh? Anong sino? Hindi ko alam iyang sinasabi mo," mariin kong tanggi. "Oh no, no, no. Hindi mo ko maloloko. Sino itong mahiwagang lalaking nagpapahurumintado ng iyong puso?" pangungulit nito. "Wala nga sabi," giit ko. "I should investigate this case more deeper," wika ni Blessie. "Tigilan mo nga ako. Sige na, ibaba ko na," turan ko. Hindi ko na inantay ang kanyang sasabihin at agad kong ibinaba ang tawag.  Matapos kong ibaba iyon ay muli itong tumunog. Balak ko sana itong patayin ngunit bahagya akong natigilan nang makita kong unregistered number iyon at hindi si Blessie.  Hindi ko ugali ang sumagot ng tawag mula sa hindi ko kilalang numero ngunit may kung anong enerhiya ang nagtulak sa akin upang sagutin iyon. "Hello?" bungad ko ng sagutin ko ang telepono. "I'm done with my meeting. How long do you need to prepare?" sagot ng isang baritonong tinig mula sa kabilang linya. Agad na lumakas ang t***k ng aking dibdib nang makilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "G-Grant?" paninigurado ko. "Why are you expecting call from other man?" tila may inis na tanong niya. "N-No, it's not like that. Nagtataka lang ako kung saan mo nakuha ang number ko," wika ko. Ito naman ang natigilan at hindi agad nakasagot. Maya-maya pa ay narinig ko ito muling nagsalita. "You gave to me," sagot niya. "I did?" tanong kong muli. Pilit kong inaalala kung kailan ko ibinigay ang numero ko sa kanya ngunit kahit anong pilit ko ay wala akong maalala. "Yes. I'll call you later to pick you up," turan niya bago mabilis akong pinagbabaan ng tawag. Naiwan akong naguguluhan habang pilit ko pa ring iniisip kung kailan ko ibinigay sa kanya ang aking numero. Ngunti kahit anong gawin kong pilit ay wala talaga akong maalala. Kung hindi ko naman iyon ibinibigay, kanino niya nakuha ang iyon. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking utak sa labis na pag-iisip. Kaya sa halip na gugulin ko ang aking lakas upang mag-isip ay sinimulan ko na lamang maghanda at mag-ayos ng aking sarili. **************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD