GEORGE Mariin kong pinagdikit ang aking mga labi at bahagyang pinagkiskis iyon upang pantay na kumulat ang lipstick na aking iniligay. Hindi ko sigurado kung saan ako dadalhin ni Grant kaya naman isang manipis na make up lamang ang aking iniligay just to be safe. Konting eyeshadow at blush on lamang ang aking ipinahid sa aking mukha ngunit pinili kong isuot ang pinakapaborito kong matingkad na pulang lipstick. You can never go wrong with red lipstick. It can go along with anything. Pinili ko namang isuot ang aking fitted tattered jeans na tinernuhan ng isang puting spaghetti strap blouse. Saka ko iyon pinatungan nang isang over sized denim jacket. Isang puting sneakers naman ang aking suot sa paa. Maya-maya pa nga ay narinig ko ang tunog ng paparating na sasakyan ni Grant. Ilang sandali