GEORGE BUONG araw akong halos wala sa sarili dahil sa nangyari kanina. Nauna nang nagtungo si Grant sa opisina. Pinilit kong huwag na lamang sumabay sa kanya upang maiwasan na rin ang anumang gulo na maaaring maging dulot kung sakaling may makakita sa amin na sabay dumating sa opisina. Kalahating oras na rin ang nakakalipas simula nang umalis si Grant pero hindi ko pa rin magawang umalis. Tila ba may kung anong pumipigil sa aking pumunta ng opisina. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman matapos ang nangyaring tagpo kanina. Para bang bigla akong binalot ng hiya nang maabutan kami ng ina ni Grant sa alanganing sitwasyon. Matapos ang ilang minutong pagtatalo nang aking kalooban ay napagdesisyonan ko na ring umalis. Mabilis kong kinuha ang aking mga gamit at saka lumabas ng akin