GRANT ABALA si George sa paghahanda ng aming agahan nang marinig kong maingay ang doorbell. Akmang bubuksan iyon ni George ngunit nagpresinta na akong magbukas noon. Baka kasi ang assistant ko iyon na inutusan kong maghatid dito nang mga bagong damit na isusuot ko para sa pagpasok sa opisina. "Oh, that should be my assistant. I ask him to bring me some clothes," turan ko kay George. "I'll get it," presinta ko. Isang tango lamang ang kanyang tinugon saka kibit-balikat na ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Agad kong tinungo ang pinto upang buksan iyon. Gayon na lamang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang aking ina kasama si Alena, nasa tabi nila ang assistant ko bitbit ang pinakuha kong damit. "Mom? What are you doing here?" tanong ko. Bahagya kong hininaan ang aking boses dahil ayaw