GEORGE NAGISING akong may mainit na bagay ang nakapulupot sa aking katawan. Unti-unting bumalik sa aking tanaw ang nangyari kagabi. Mabilis kong natampal ang aking noo nang maalala ko ang kabaliwang ginawa ko kagabi. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya ko iyon nagawa o dahil na rin sa katotohanang labis akong nangulila sa kanyang mga yakap. Ngunit huli na para magsisi ako sa desisyon ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko na kayang itago na mahal ko ang lalaking kasalukuyang mahimbing na natutulog sa aking tabi. Marahan kong inalis ang kanyang kamay na nakapatong sa aking katawan saka agad na tumayo. Maingat ang bawat kong galaw. Iniiwasan ko kasing makagawa nang kahit anong ingay na maaaring dahilan nang kanyang pagkagising. Akmang tatayo pa lamang ako nang marinig ko ang baritono