GEORGE PAKIRAMDAM ay lulundag ang aking puso palabas ng aking dibdib dahil sa lakas ng pagkabog nito. Hindi rin nakatulong ang panunuyo ng aking lalamunan. Makailang ulit akong lumunok upang ibsan ang panunuyo noon ngunit tila uhaw ako sa ibang bagay at tanging si Grant lamang ang makakapuno ng uhaw na iyon. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka mabilis na nagsalin ng inorder kong alak sa shot glass na naroon. Bahagya akong natigilan nang makita ko ang asin at ilang hiwa ng lemon na naroon. Ito pa lamang ang pangalawang beses kong iinom. Narinig ko lamang ang pangalan ng alak na iyon kanina sa bar habang inaantay ko Grant. I ordered that drink only to look cool in front of him. Ngunti ngayon ay parang gusto kong pagsisihan. I don't know how to drink this. "Do you know how to drin