GEORGE WALANG puknat ang aming halikan habang nasa loob ng elevator. Saglit lamang naming pinakawalan ang isa't isa nang bumukas ang pinto nang elevator. Bahagya pang kumunot ang aking noo nang mapansin kong hindi kami sa lobby bumaba bagkus ay isa sa mga palapag ng hotel. "W-Where are we going?" usisa ko sa kanya habang hila-hila niya ang aking kamay. Ilang saglit pa nga ay huminto kami sa tapat ng isa sa mga pinto ng silid sa palapag na iyon. Inilabas niya ang isang itim na card na kung hindi ako nagkakamali ay keycard para sa kwartong iyon. "You can still back out up to this point," ang tanging naging tugon niya sa akin habang mariing nakatitig sa aking mga mata. "The moment we get inside this room, you're all mine." Tila banta iyon para sa akin ngunit hindi ako nakaramdam na ka