ADDISON was busy doing her inventory in her office when she heard a voice from the door. “Boss, gusto ka raw pong makausap ni Ms. Hannah Ramos.” Napatigil ang kamay ni Addison sa pagsusulat nang marinig niya ang pangalan ni Hannah na binanggit ni Jeff. Tumayo si Addison saka naghanda ng meryenda para kay Hannah. Lumabas siya ng opisina saka nilapitan si Hannah sa kinaroroonan nito. Inilapag niya ang meryenda sa harapan ni Hannah. Hannah smiled. “Thanks.” Tipid na ngumiti si Addison saka umupo sa tapat ni Hannah. “Hindi ka naman nandito para awayin ako di ba?” Natawa ng mahina si Hannah. “No. I’m not here to fight with you. I’m here to apologize. I’m sorry for ruining you and Stephen.” Tumaas ang kilay ni Addison at bahagyang nagulat. “All of sudden?” Nagtaka siya. “Sorry. But the se