MASAYANG pumalakpak si Addison nang matapos ang seremonya ng kasal ng Ate Allison niya. Halatang masaya ang bagong kasal dahil malawak ang ngiti ng mga ito. Sa wakas kasal na ang Ate niya sa pinakamamahal nito na talagang pinaglaban nito sa panganay nilang kapatid. “Kuya.” Siniko ni Addison ang Kuya Adrian niya. “Ayaw mo pa rin ba kay Kuya Dominic?” Adrian clicked his tongue. “Kahit naman ayaw ko sa kaniya may magagawa pa ba ako? Kasal na silang dalawa, oh.” Napailing na lamang si Addison. Kilala niya ang Kuya Adrian niya. Kung hindi pa rin sana nito tanggap ang asawa ng Ate Allison niya baka gumawa na ito ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. Habang kasalukuyang nagpi-picture ang photographer na inabangan upang kumuha ng larawan sa kasal, pasimpleng hinanap ni Addison ang kasintah