Hindi natuloy ang plano ni Josh na magsi-sine silang dalawa ni Rose. Dahil umaga pa lang ay nagyaya na si Simon na magpipiknik sila sa may sapa. At dahil sabik din si Rose na makita ang sinasabi nilang sapa malapit sa Rancho ay agad din itong pumayag. Nagdala sila ng mga malulutong pagkain at bigas na kanilang lulutin doon. Kumpleto sila ng dinala mula sa prutas, ulam, meryenda, bigas at iba pang mga pagkain. "Ang ganda pala dito!" Bulalas ni Rose nang makarating na sila sa may sapa. May kubo doon at meron din itong kusina may mga upuang gawa sa kawayan at katre. Mahaba din ang mesang gawa sa kawayan doon at puwede kayong maupo lahat sa lapag habang kumakain. "Matagal-tagal na din akong hindi nakapunta dito," sabi naman ni Aling Tasing. Excited din sina Shai maging sina Pangking at Dod

