Medyo late gumising si Rose ng araw na iyon medyo masama ang kanyang pakiramdam. Bigla na lang siyang nakadama ng tila lalagnatin ng mag-uumaga na. Kaya natulog siya ulit pero hindi muna siya uminom ng gamot. Ganoon naman siya ever since hanggat kaya pa ng kanyang katawan ay hindi siya iinom ng ano mang gamot. "Late kang gumising ngayon Rose at mukhang may dinaramdam ka." Wika ni Aling Tasing sa dalaga nang makababa na ito at nagpunta ng kusina. "Oo nga po eh!" Parang ngongong sagot ng dalaga sabay timpla ng kape nito. Napansin ni Rose na may sinangag, dilis tinolang native na manok at inihaw na talong saka okra. Na ang sawsawan ay bagoong na may pinigang kalamansi. "Hindi pa po kayo nag-aagahan?" napatanong si Rose kay Aling Tasing. "Tapos na kami hija. Kayo na lang nina Simon at Teb

