Ito ang gabing dadalo sina Rose ng party ng kapitan sa barangay na iyon. Hindi man masyadong bongga ang dress ni Rose ay sinigurado niyang bumawi siya sa kanyang make up. Tinernuhan niya ang kanyang casual dress ng isang high heeled glass close sandal. Hinayaan lamang niyang nakalugay ang kanyang magandang buhok at nagpabango siya ng seductive perfume. Iyong amoy niyang maiiwan sa pang-amoy ni Simon at kalaunan ay kanya ng hahanap-hanapin. "So, how do I look?" Tanong ni Rose kay Simon nang makababa na siya. Kita ni Rose ang ilang ulit na paglunok ni Simon habang hinahagod siya nang tingin. Napakurap-kurap pa si Simon at napatikhim pero kita naman sa mga mata nito ang paghanga niya kay Rose. "Wow, Senyorita ang ganda naman po ninyo grabe!" Sabay na bulalas nina Dodong at Pangking na napa

