AUDREY 'S JOURNEY of her pregnancy was not easy, especially since she was carrying twins. Pero mabuti na lang at nandiyan ang asawa niya na umaalalay sa kaniya sa lahat ng bagay. Naging mahirap rin ang paglilihi niya dahil may mga gusto siyang kainin at kung nandiyan na, ayaw na niya ito. Wala siyang maramdaman noong mga una hanggang dalawang buwan ng pagbubuntis niya pero nang dumating ang ikatlong buwan ng pagbubuntis niya, doon na niya naramdaman ang sinasabi nilang sakit sa paglilihi. Minsan nga naaawa na siya sa asawa niya dahil para siyang may topak habang nagbubuntis. Pero mabuti na lang at mabait ang asawa niya kasi kahit anong gawin at ipagawa niya rito ay ginagawa naman ni Emerson. Nahati ang oras ng asawa niya. Sa kaniya at sa trabaho nito. But she was spoiled all the time.