NAPATAKBO ng banyo si Audrey nang maramdaman niyang naduduwal siya. Mabuti na lang at may sariling banyo ang opisina nila kaya hindi na niya kailangang lumabas. Hindi alam ni Audrey na sinundan pala siya ni Mia. Naramdaman na lamang niya na hinagod nito ang likod niya. “Okay ka lang?” May pag-aalalang tanong ni Mia. Umiling si Audrey. Nagmumog siya saka hinarap si Mia. “You look pale.” “Hindi ko alam. Ganito na ang nararamdaman ko simula pa noong nakaraang linggo.” Ani Audrey. Sumandal siya sa pader saka humugot ng malalim na hininga. Napatitig naman si Mia kay Audrey. “Palagi ka bang nagduduwal ng umaga?” tanong niya sa kaibigan. Tumango si Audrey. “Lalo na kapag nakakaamoy ako ng malansa.” “And I noticed. Palagi kang inaantok.” Muling tumango si Audrey. Lumaki ang mata ni Mia.