NAPAUBO si Audrey at saka muling nagkumot. Kagigising lamang niya at ramdam niyang mabigat ang pakiramdam niya. Malakas rin ang ulan sa labas kaya naman malamig ang panahon. Mas lalong nakadagdag sa kagustuhan niyang matulog. Sabado rin kaya wala siyang pasok sa trabaho. It was already seven in the morning. Emerson was not home because he had a business trip again. Next week pa ang uwi nito. Dahil sa lagnat, mabigat ang pakiramdam niya. Kaya naman hindi na alam ni Audrey ang nangyayari sa kaniyang paligid. Bumisita si Emma sa manugang niya. Nadatnan niyang nag-aalala si Manang Nena. Sobrang taas ng lagnat ni Audrey kaya naman tinawagan niya ang family doctor nila. Emma was worried about Audrey’s condition and stayed with her the whole time. With the help of Manang Nena, pinunasan ni