PAKIRAMDAM ko ay napakaganda ng gising ko kinabukasan. Kahit na wala si Karlos sa tabi ko pagkamulat ko sa mga mata ko ay napakagaan ng pakiramdam ko. Ang ideyang magdamag akong yakap ni Karlos at hindi binitawan habang natutulog ako ay nagbibigay sa akin ng galak. I smiled out of nowhere and stared at the ceiling as the aroma of bacon filled the room. I stood up from bed with so much joy and went inside the bathroom for my morning routine, right after I’m done I walked my way to the kitchen. Naabutan ko si Karlos na walang suot na pang-itaas maliban sa apron habang nakaharap sa lababo at nagluluto, si Papa naman ay nakaupo sa dining area at nagkakape. “I’ve seen how you watched over her, Karlos. Alam ko na swerte sa ‘yo si Bella. Hindi ko alam kung nasa lugar ba ako para sabihin ito pe