HINDI ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng banyo niya. Hindi na ako umiyak pa kahit na iyon ang gustong-gusto kong gawin. I just want my tears to run dry, I want to make myself believe that it’s all okay and I’ll be fine as well in no time even if I know for a fact that it’s not and I will never be. Ang makitang nasasaktan si Karlos ay parang punyal na paulit-ulit tumutusok sa dibdib ko. I don’t want that. I don’t want him hurting. I’ve caused him too much pain already and I don’t think I can stand hurting him even more by my presence. Pagkatapos kong magbihis ay sinuot ko ang shades na dala ko para kahit na lumabas ako rito sa unit niya, hindi mahalata ng marami na umiyak ako dahil sa pamamaga ng mga mata ko. Ramdam ko rin ang sakit sa pagitan ng mga hita ko, sa bawat hakbang ay na