"Most of the times sorry isn’t enough, you have to make efforts." BAGO ako tuluyang maka-alis ay agad kong tinawagan si Karma para sa plano. Agad akong pumunta kung saan naghihintay sa akin ang driver ng sasakyan nila Karma tapos ay nagpahatid sa unit ni Karlos. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng kung ano mang mapaguusapan namin ni Karlos pero kung ano man iyon ay tatanggapin ko. Pagkadating sa unit ni Karlos ay naabutan ko ang tatlong tao nila Karma na naglalakihan ang mga katawan, pamilyar sila sa akin, kung hindi ako nagkakamali ay kasama sila sa mga taong humarang sa mga reporters sa airport. “Where is he?” tanong ko. “Gaya po ng iniutos ni Ma’am Karma, hinubuan po namin siya at itinali sa kama niya, ma’am.” Literal na nalaglag ang panga