HINDI ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak habang si Karma naman ay nakayakap lang sa akin. Walang nagsasalita. Pagkadating nila ni Thunder ay umalis naman sina Mark dahil may mga aasikasuhin pa raw sila. “Bella I know you. I know for a fact that you’re not that emotional to the point that you’ll hurt someone. Now, can you tell me what exactly happened?” Saad ni Karma nang mayamaya lang ay kumalma na ako. “He… he found him.” Nanghihinang sagot ko. Nauubos ba ang luha? Sana nauubos ito. Para kahit sobra-sobra pa rin tayong nasasaktan ay hindi ito malalaman ng iba. Isa ang luha sa napakahirap pigilan lalo na kung totoo ang nararamdaman mo, at kung mauubos man ito, siguro maipapakita mo sa iba na hindi ka nasasaktan kahit na sa kaloob-looban mo ay para ka nang mamamatay. “Who found w