49 Isang buwan na ang nakakalipas nang umalis na siya sa bahay nila, madalas parin silang nagkikita ni Jessa, pero hindi niya inaasahan na makikita niya si Jessa na nakahilata sa kama ng hospital, may kong ano-anong aparato ang nakakabit sa katawan nito, may mga gasa ang iba’t ibang parte ng katawan, nang hihina siyang makitang nasa ga’nung kalagayan ang dalaga, ang pagkakaalam niya na aksidente ang dalaga nang tumawag sa kanya ang mama nito at sa mahabang oras na paghihintay niya sa pizza house na pagkikitaan sana nila, hindi niya inaasahan na ganito na pala ang nangyari, kumaripas siya at gustong lumipad makapunta lang sa hospital kong na saan si Jessa. Gusto sanang mag-umpisa nang mangligaw si Jeremy sa dalaga noong isang araw lang ay umabot na ito sa edad na labing walong taong gulan