50 Hindi mawala sa isipan ni Jessa nang matawag niyang J si Jeremy sa kanyang alaala, para sa kanya imposible ang lahat ng ‘yon, kanina pa siya tulala sa kong saan simula nang makauwi siya sa dormitoryo niya, ‘pero paano kong siya si J, paano kong magkakilala talaga kami noon, pero imposible talaga?’ pagtatalo ng isipan niya na lalong nagpapasakit ng ulo niya, nagpapadagdag pa sa sakit ng ulo niya ang ingay sa kabilang silid na madalas niyang marinig, sa pagkakataon na ito, palakas ng palakas kaya nag-aalala na siya kong na andoon na ba si Sophia na may-ari ng silid na ‘yon na katabi lang ng silid niya. Agad siyang lumabas ng silid at isinantabi na muna niya ang kanyang iniisip, pero paghinto niya sa harapan ng pinto nito laking gulat niya at natigilan nang magbukas ito ng bahagya, agad