9 Hindi pumasok si Jessa, hinintay lang niya talaga na umalis ang ina niya, pagkatapos n’un ay bumalik siya sa bahay. Pagpakapasok niya ng bahay, nakita niyang may tao pa pala doon, animoy nagulat pa nang dumating siya, si tita Chris niya kasama ang binatang si Marvin, isang nangungupahan sa kanila dahil malapit lang ang kolehiyong pinapasukan nito sa manor nila. Agad na tumayo si tita Chris niya sa kanya at lumapit sa kanya, “akala ko pumasok ka, uwian na ba ninyo? Wala ba kayong klase?” sunod-sunod na tanong ng tiyahin niya sa kanya, may iba siyang nararamdaman sa dalawa, pero winaksi niya ito, alam niyang may asawa ang tiyahin niya at busy ito sa trabaho ‘yon nga lang hindi sila magkaanak ng tito Roderick niya na asawa ng tiyahin. Hindi siya sumagot pero patuloy parin ang tiyahin niy