10 Nakatulala lang si Jessa sa harapan ng study table niya habang nakatitig sa kalat na gamit niya sa eskwela, kailangan niyang matapos ang kanyang assignment sa bawat subject niya pero hindi niya magawa dahil sa kakaisip kay Jhade, simula nang sabihin niya ito na umalis na sa tabi niya hindi na niya ito nakita, tatlong araw na niyang hindi nakikita ang binata at mag-iisang linggo na rin siya kinaayawan niyang bahay. Nakasalpak lang sa kanyang tenga ang headset, pinapakinggan ang musika mula sa cellphone pero kahit ang kanta ay hindi niya maintindihan dahil sa kakaisip sa binata, gusto niya uli makausap ang binata, pero hindi niya alam kong saan ito hahanapin. Hindi parin niya pinapansin ang ina niya simula nang magtalo sila. “Jeez,” singhal niya saka niya tinaggal ang headset sa tenga.