19 Tahimik lang na nakaupo sa kanyang kama si Jessa habang nakasandal sa headboard ng kama niya at yakap-yakap ang nakatiklop na tuhod hanggang sa dibdib niya, ilang beses siyang pilit na gustong kausapin ng ina niya, dahil sa nakalock sa loob ang pintuan, hindi makapasok ang mama niya, ayaw niyang makipag-usap sa kahit kanino, para na naman siyang bumabalik sa dati, bumabalik na naman yong pagiging matigas ang ulo niya at sa pagiging bastos sa mga nakapaligid sa kanya. Hating-gabi na at hindi pa siya nakakakain ng hapunan o nakakabihis man lang ng uniporme niya. Ang bigat parin ng pakiramdam niya, nakakailang buntong hininga na siya, saka siya umalis sa kama at lumabas ng silid. Siya na lamang ang gising sa buong bahay, wala na siyang pake alam kong makakakita pa ba siya ng multo, lutan