20 Natigilan ang dalaga at nagulat nang hatakin ni Jhade yong medyas niyang suot sa kanang paa niya, “anong gagawin mo?” tanong niya sa binata. “Huhubarin narin, baka mamaya magkasakit ka, pati na rin yong damit mo, magpalit kana rin muna, suotin mo muna yong damit ko.” Sabi ng binata sa kanya, hanggang sa mahubad na nito ang isa pa niyang medyas sa kaliwang paa. Nahinto naman ang dalaga at nakatitig lang sa kanya, “ano na?” “Anong ano na?” Ngumiti si Jhade kay Jessa, “wag mong sabihin na ako pagmaghuhubad niyan?” Saka lang naisip ni Jessa kong ano pala ang ibig sabihin ni Jhade sa kanya, nag-init ang pisngi niya sa hiya. “Ako na ako na,” sabay tayo niya, tumayo din ang binata sa harapan niya. “Tumalikod ka para makapagbihis ako, wag mo akong sisilipan baka makatikim ka sa akin.” Sing