CHAPTER 12

1114 Words
SA WAKAS ay nagkaroon na rin ng pagkakataon si Arianne na makaupo.  Tapos na ang event at nagpapahinga na lang siya sandali matapos makipag-usap sa coordinator ng Makati Business Club.  Binati rin siya nito para sa success ng event.  She was massaging the sole of her feet when she saw someone came up to her.  Nang tingnan niya kung sino iyon ay dumagundong na naman ang pasaway niyang puso.   “Tired?” tanong ni Daboi, looking absolutely dashing in his dark gray business suit. “Obvious ba?”  Wala siyang balak na makipag-friendly friends dito pagkatapos ng ginawa nitong t*****e sa kanya kanina nang basta na lang siya nito hindi pansinin.  Masama pa rin ang loob niya hanggang ngayon.  “Anong ginagawa mo rito?  At bakit mo ako kinakausap?” Imbes na sumagot ay nag-squat lang ito sa harap niya at inangat ang kanyang paa.  Binawi niya rito ang paa ngunit kinuha lang nito uli ang kanyang paa at hinilot iyon. “Ano ba?”  Itinulak niya ito.  Ngunit tila balewala lang iyon dito.  “Tigilan mo sabi iyan.  I don’t need you!” “Imamasahe ko lang ang mga paa mo.  After this, when you’re already feeling okay, I’ll let you go.” “Hindi mo na kailangang gawin iyan.” Still, he didn’t let her go.  Napagod na lang siya sa pagpapaalis dito pero nanatili lang itong minamasahe ang kanyang paa.  Hanggang sa nagsawa na rin siya.  Isa pa, pinagtitinginan na rin sila roon ng mga hotel staffs na naglilinis ng venue kaya nanahimik na lang siya at hinayaan ito sa ginagawa nito. “Lakad ka ng lakad kanina,” mayamaya’y wika nito.  “Dapat ay nagpapahinga ka kahit sandali para hindi kawawa ang mga paa mo.  Naka-heels ka pa naman.” “Parte na ng trabaho ang mapagod nang ganito.  Ano bang pakialam mo dun?” “Naaawa lang ako sa iyo.  You’re working too much.” Tumimo sa isip niya ang unang sinabi nito.  Naaawa lang ito sa kanya.  Iyon lang ba ang dahilan ng pakikipaglapit nito sa kanya?  Dahil naaawa lang ito sa kanya?  She remembered the first time they met.  She was crying because Ericson had broken her heart.  Nabanggit nito noon na mahina ang puso nito sa mga babaeng umiiyak.  Was that it?  Ngayong wala na itong nakikitang luha sa kanyang mga mata ay lumalayo na ito? She could feel that much pain in her heart as she watched him take care of her.  Si Ericson noon, naiintindihan niya ang sarili kung bakit nasaktan siya sa ginawa nito.  Pero bakit si Daboi, alam niyang nasasaktan siya.  Pero bakit?  Ano naman kung awa lang ang nararamdaman nito sa kanya?  She hated him, right? Wrong. Paano mong kamumuhian ang taong mahal mo? Yep, that was probably it.  She loves him.  She’s inlove with him. “Tama na iyan,” saway niya rito.  “Okay na ako.” “’Yung isa mo pang paa.”  Hindi na rin nito hinintay na kumilos siya dahil ito na mismo ang nagtanggal ng sapatos sa kabilang paa niya bago iyon hinilot.  “Kanina pa kita nakikitang paikot-ikot dito.  Pero ni minsan ay hindi ko nakitang humawak ka ng pagkain.” “Bawal.” “Binabayaran ka nila para magtrabaho.  Hindi para magpakamatay.”  He still wasn’t looking at her.  “Wala ka na sigurong gagawin pagkatapos mo rito.  Let’s go grab something to eat.” “I’m not hungry.” “I am.” “E, di kumain kang mag-isa.” “Arianne.”  Sa wakas ay tiningnan na rin siya nito.  At tila ba nagsihulasan na naman ang lahat ng hinanakit niya nang makita ang mukhang iyon.  “I know I shouldn’t be doing this.  But I don’t want to see you—“ “I’m not hurt.” “I don’t want to see you suffer.” “I’m not suffering.”  I’m just inlove, you know. “Arianne.” “What do you really want from me, Daboi?  Kanina, parang hindi mo ako kilala.  Kung wala pa si Richard sa tabi ko nang tawagin ka niya kanina, hindi mo pa ako titingnan.  Tapos ngayon, lalapit ka sa akin na para bang walang anoman ang nangyari kanina.  Ano ba talaga ang gusto mong palabasin?  Nangti-trip ka lang ba?  Dahil pagod ako at wala ako sa mood sa mga patawa mong kalbo.” Hindi ito umimik.  Bagkus ay nanatiling nakamasid lang ito sa kanya.  Goodness.  Wala talaga siyang lakas para magalit dito.  Hay naku naman.  Ganito ba talaga ang kapalaran niya sa pag-ibig?  Magmamahal siya, masasaktan, and then okay na?  Kung papayag lang siya, puwede na niyang tawaging tanga ang sarili. He took a deep sigh before turning to her.  That familiar smile was once again visible in his eyes. “I’m sorry,” wika nito.  “May iniisip lang akong malalim nun kaya hindi kita gaanong napagtuunan ng pansin.  Puwede bang kalimutan na lang natin ang mga nangyari kanina?” Okay, you’re forgiven.  “Ayoko.” “Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo na ako?” “Sabihin mo sa akin kung bakit bigla kang nagbago kanina.” “I can’t.” “Why not?” “Dahil ikaw naman ang magbabago kapag nalaman mo ang dahilan ko.” “Huwag mo nga akong pairalin niyang pa-mysterious effect mo.  I’m tried, Daboi.  The least thing you can do is to not irritate me.” “I won’t.  But I still can’t tell you.  I’m sorry.  Siguro masasabi ko rin iyon.  Pero hindi pa sa ngayon.” “Bahala ka na nga riyan.”  Tumayo na siya at akmang susuutin ang sapatos nang magsalita itong muli. “Pagod pa ang mga paa mo, ah.” “Anong gusto mong gawin ko?”  Saglit itong nag-isip.  Ngunit naunahan niya ito.  “Sige, magpalit tayo.” “What?” “Magpalit tayo ng sapatos.”  Titingnan niya kung hanggang saan ang tatag nito.  Kapag tumanggi ito, makakalayo na rin siya rito at makakapag-isip ng mas mahaba-habang oras tungkol sa bagong tuklas niyang damdamin para rito.  “Tutal naman kanina ka pa concern sa mga paa ko, hindi ba?  Magpalit tayo.” Mukhang nagdadalawang isip ito.  Kunsabagay, sino ba namang lalaki ang magsusuot ng high-heeled shoes?  Tatalikuran na lang niya ito nang pigilan siya nito sa braso.  At hubarin ang sarili nitong sapatos. “Give me your shoes and let’s have a decent dinner.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD