CHAPTER 13

873 Words
HINDI ALAM ni Arianne kung matatawa ba o maaawa kay Daboi habang naglakakad sila patungong restaurant di kalayuan sa hotel na pinanggalingan nila.  Isinuot kasi talaga nito ang sapatos niya habang nakasampay sa balikat nito ang bag niyang pinilit nitong bitbitin para sa kanya.  Ngayon tuloy ay pinagpipiyestahan ito ng mga taong nakakasalubong nila. “Ano ba ang type mong food?” tanong nito.  “Japanese, Chinese, Koreanese o Italianese?” “Italianese na lang.”  Sinakyan na lang niya ang biro nito.   Hinawakan siya nito sa kamay.  “Italianese it is.” Hindi na siya nagreklamo.  She felt fine having his hand held hers as if there would be no better place on earth than right there beside her, with his hand holding hers.  Ewan niya kung tama bang makaramdam siya ng ganitong damdamin samantalang katatapos lang niyang mabigo sa una niyang pag-ibig.  Subalit habang patuloy silang naglalakad ni Daboi ng magkahawak ang kamay, at magkapalit ang mga sapatos, tila unti-unti ay may mga kasagutan na siyang nakukuha.   Na walang pinipiling oras o timing ang salitang pag-ibig.  Kapag nagmahal ka, balewala na kung kahit kailan ay hindi ka pa nagmahal o katatapos mo lang mabigo.  When you feel that certain feeling, there would no turning back.  Hindi ka puwedeng sumigaw ng ‘taym pers!’, gaya ng isinisigaw ng mga bata kapag gusto nilang magpahinga.  Hindi puwedeng sabihing next time na lang dahil katatapos o lang ma-inlove o masaktan.    When you fell inlove, you just have to accept the feeling.  Kung ayaw mong mabuang. “Naaawa ako sa sapots ko,” wika niya.  “Siguradong hindi ko na iyan mapapakinabangan.” “Mabuti pa ang sapatos, inaalala mo.  Samantalang ako, ni hindi mo man lang mabati.” “Mukhang okay ka naman.” “Kapag napilayan ako, lagot ka sa mga pans ko.” “Pans ka diyan.” “Ah!  Sandali.”  Huminto ito at nagpamaywang.  “Pahinga lang ako ng konti.” Lumingon-lingon siya sa paligid.  Karamihan na talaga sa mga tao roon ay nakatingin sa kanila, lalo na kay Daboi.  May ilang napapakunot ang noo kapag napapansin ang sapatos nito at meron namang natatawa.  But he never seemed to care.   Dahil siya ang nagpasuot niyon dito.   “Ngayon ay mas tumaas pa ang respeto ko sa mga babae,” wika nito.  “Lalo na sa mga nagtatrabahong naka-high heels.  I just couldn’t imagine how you survive a day wearing this.” “Its all in a day’s work,” wika ng isang babaeng lumapit dito.  “Hey, if your girlfriend dump you, call me.” May inilagay pa itong maliit na papel sa bulsa ng coat ni Daboi.  Nakangiti lumapit lang sa kanya ang binata at hinawakan uli siya sa kanyang kamay bago sila nagpatuloy patungo sa Italian restaurant doon. “Don’t worry,” wika nito.  “I won’t call her.” “Wala naman akong sinasabing huwag mo siyang tawagan.  Besides, binata ka, dalaga siya—“ “Arianne, let’s just eat.” At kitang-kita niya nang dukutin nito ang papel na inilagay ng babaeng iyon sa bulsa ng coat nito at pasimpleng itapon iyon sa nadaaanan nilang trashbin.  Hindi pa doon natapos ang surpresa nito sa kanya.  Nang mapadaan sila sa isang flower stand ay bumili pa ito ng mga bulaklak doon. “Hindi mo naiuwi ang mga bulaklak na ibinigay ko sa iyo noong nasa Stallion Riding Club tayo.”  He gave her the boquet of flowers.  “Kaya ito na lang.  Hindi ito kasing gaganda ng bulaklak sa Picka-Picka.  Pero at least, walang tinderang makulit at oportunista.” “Mautak lang talaga si Nadja.” “Oportunista nga.” Binayaran nito ang mga bulaklak.  Sinamyo naman niya iyon.  Pagkatapos ay nasulyapan niya ang sapatos niyang halos madurog na dahil hindi iyon magkasya dito kaya ginawa na lang nitong bakya iyon.   “Daboi.” “Hmm?” “Magpalit na tayo ng sapatos.” “Mamaya na.” “Nahihirapan ka na.” “Pagod pa ang mga paa mo.  Sa restaurant mamaya, makakapagpahinga ka.  Pagkatapos nating kumain, magpapalit na tayo.  Okay na?” Ngunit hinubad na niya ang sapatos nito.  “Magpalit na tayo.  Tama ng penitensya iyan.” “Pero—“ “Sige na, kakalimutan ko na ang mga nangyari.”  She pushed his shoes to him.  “At siguro…puwede na rin kitang patawarin kahit hindi ko alam ang dahilan ng biglaan mong panlalamig sa akin kanina doon sa hotel.” Tila may gusto itong sabihin ngunit hanggang sa huli ay nagbago ang isip nito.  Mukhang wala talaga itong balak na magsalita.  Hindi na nga bale.  Ang importante, gusto nitong bumawi sa lahat ng paraan na kaya nito.   Hinubad na nga nito ang sapatos niya at nakipagpalit sa kanya.   “Although this feels much better,” anito.  “Are you sure you’d be okay now?” “I don’t know why…”  Siya na mismo ang humawak sa braso nito.  “But yes, I’d be okay now.” Kaya na niyang kalimutan ang kanyang nakaraan at magsimulang muli.  There’s no point on loving him the next time when she could love him now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD