“WHAT’S THIS?”
“Picture natin nung Otaku Fest. Cute natin diyan, ano?”
Oo nga. Nagmukha siyang bata sa suot niyang simpleng pulang t-shirt at naka-mailman bag pa. Samantalang astig na Uchiha Itachi ang costume nito.
“Bagay sa iyo ang costume mo.” itinaas niya ang picture. “Akin na lang ba ito?”
“Oo, meron na akong sariling kopya.” Ipinakita pa nito sa kanya ang wallet nito. Naroon nga ang larawan nilang naka-wallet size na.
Natawa na lang siya. “Bakit iyan ang nakalagay diyan? Dapat picture ninyo ng girlfriend mo.”
“Wala naman akong girlfriend.”
“Kaya iyan ang pinagtitiyagaan mo.”
“Kaya ito ang inilagay ko.” Ibinalik na nito wallet sa bulsa nito. “Akin na ang wallet mo.”
“Ha?”
“Ang wallet mo, akin na.”
“Bakit?”
“Basta.”
Nagtataka man ay binitiwan niya ang kutsara at tinidor saka kinuha ang kanyang bag. She took out her wallet and gave it to him. Ngunit hindi pa man sumasayad ang kamay nito roon ay muli na niya iyong binawi.
“Ano ba talaga ang gagawin mo rito?”
“Secret.”
Muntik na siyang matawa sa pagkakasabi nito sa salitang iyon. Para kasing hindi bagay.
“I just want to know something.”
“Ano nga iyon?”
“Kumain ka na lang.”
Nakuha na nito ang wallet niya bago pa man siya nakapag-react. Oh, well, bahala na nga ito sa gusto nitong gawin. Basta…maganda ang pakiramdam niya ngayon. Masiglang binuksan nito ang wallet ngunit ilang sandali lang ay unti-unti ng nawala ang aliwalas sa mukha nito.
“You still have his picture.” Ipinakita nito sa kanya ang larawan nila ni Ericson.
“Hindi ko pa natatanggal.”
“O, wala kang balak na alisin?”
Nagkibit lang siya ng balikat. Siguro. Wala naman silang masamang pinagsamahan ni Ericson. He’d been good to her when they were still together. Maybe they could even be good friends if he had stayed in Manila.
“Hayaan mo na lang iyan diyan,” aniya. “Remembrance ko rin iyan sa kanya.”
“Hindi ba’t sinaktan ka naman niya? Bakit kailangan mo pang magkaroon ng alaala niya?”
“Mahirap basta na lang kalimutan ang mga nangyari sa amin, lalo na ang naging pagsasama namin. Hindi man naging maganda ang ending namin, wala pa rin naman akong masabing masama sa kanya.”
Habang dumadami ang experience niya sa love and relationship, mas lumalawak pa ang pang-unawa niya sa maraming bagay, lao na pagdating sa usaping pampuso. Iyon marahil ang dahilan kung bakit maluwag na sa kalooban niya ngayon ang naging kabiguan niya kay Ericson. Isa pa…dahil siguro may bago na ring pag-ibig sa puso niya na nagsasabing magiging maayos din ang lahat.
“Kung mahal mo pa rin siya, bakit hindi mo siya sundan?”
“Nasagot ko na iyan dati.” She drank her wine before continuing. “Hindi ko puwedeng ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya kung sakaling mahal ko pa nga rin siya hanggang ngayon.”
“I don’t understand—“
“Because he’s gay.”
“What?”
“Ericson’s gay. Hindi niya ako kayang mahalin gaya ng hindi ko na rin kayang ipagtanggol pa ang pagmamahal ko sa kanya.”
Halatang gulat na gulat ito sa nalaman dahil nakatitig lang ito sa kanya. Batid niyang hindi niya dapat ipinagsasabi ang sekretong iyon ng dating kasintahan. Ngunit may kung anong nagsasabi rin sa kanya na kailangang malaman ni Daboi ang tungkol sa bahaging iyon ng kuwento niya.
“We’ve been together for three years. Masaya naman kami. Magkasundo sa maraming bagay at gustong-gusto kami ng mga pamilya namin. Akala ko noon, normal lang na kapag hinahalikan niya ako ay…hanggang doon na lang kami. I’m more than willing to give myself to him. Kaya lang, lagi nga siyang nagdadahilan. So we never made it in bed. Wala akong anomang naging hint para mag-isip na baka nga…iba ang preference niya. Siguro dahil nang mga panahong iyon, bulag pa ako sa pagmamahal ko sa kanya. Until that night, on our third anniversary…”
“He told you.” Tumango siya. “And that’s when I found you.”
“That must have been the most miserable day of my life.”
“And you’re the most beautiful miserable woman I’ve ever met.”
May kung anong kumiliti sa puso niya sa sinabi nito. “Nambola ka na naman.”
“Hindi ako nambobola. Totoo iyon.”
“Mahirap paniwalaan.”
“Bakit? Dahil sa mga babaeng dumidikit sa akin?”
“Oo.”
“Hindi ko sila binola. Nasabi ko na sa iyo noon, ang mga babaeng iyon ang lumalapit.”
“’Yabang!”
“Kung nagseselos ka, sabihin mo lang. Hinding-hindi na ako magdididikit sa mga babaeng sinasabi mo.”
Hindi siya umimik. Mahirap mag-impose dito ng kung ano kung wala naman silang relasyon. Although hindi niya maintindihan kung bakit umaakto ito na parang gusto na nitong magpatali sa kanya.
But you never said anything, Daboi.
Kung sana ay magsasalita lang ito ng tungkol sa kung ano ang totoong nararamdaman nito sa kanya…Teka, paano nga pala kung sakaling wala naman pala itong damdamin para sa kanya? Na gaya ng una niyang narinig dito na naaawa lang ito sa kanya? Mabibigo na naman siya. Kaya pa kaya niya? Siguro. She loved Ericson for three years. Pero nakayanan niyang malagpasan ang naging kabiguan niya rito. Itong si Daboi pa kaya, na ilang araw pa lang niyang natutuklasan ang damdamin niya para rito?
She could take it. Afterall, he had taught her how to be tough when dealing with heartaches. Iyon nga lang, sino ang magtuturo uli sa kanya kung paano ito makakalimutan kung sakaling mabigo siya rito? May isa na naman bang Daboi na lilitaw sa buhay niya para alalayan siya? She sighed. Parang nakakapagod na yatang magmahal kung ganon na lang ng ganon ang magiging routine. Isa pa, hindi pa siya handa na kalimutan agad si Daboi.
“Sa dami ng mga babaeng nai-involve sa iyo, Daboi, ni minsan ba ay hindi pumasok sa isip mo ang mag-asawa?”
“Hindi.”
“Bakit?”
“Wala sa mga babaeng sinasabi mo ang minahal ko. They were special, yes. But no one ever did make my heart beat fast.”
No one? As in kasama ako? Didn’t I make your heart beat faster? Ah…how sad.
“Excuse me.” Tumikhim siya. “Magsi-CR lang ako.”