PINAGMASDAN NI Arianne ang mukha sa salamin.
“Kaya mo iyan, Arianne,” wika niya sa sariling repleksyon. “E, ano naman kung hindi mo napapabilis ang t***k ng puso niya? Mabuti nga iyon at makakaiwas siya sa sakit sa puso. Baka magka-cardiac arrest pa nang wala sa oras si Daboi at ikaw pa ang maging dahilan ng pagkamatay niya. Malaking kasalanan pa iyon. Biruin mo, mapapatay mo ang lalaking mahal mo. Nah, its okay if you can’t make him love you. Wala siyang girlfriend. Ibig sabihin ay malaki pa ang partida mo para magawa mong mahalin ka rin niya. Nasa iyo na ang lahat ng pagkakataon para magawa iyon. Pinahiram ka na niya ng panyo niya. Inalo ka niya nang mabigo ka. He had take care of you. Made you smile when you’re sad. Dried the tears in your eyes. He had kissed her more than twice, kahit hindi sa lips. Ipagtatanggol ka niya sa nanakit sa iyo. Ayaw ka niyang layuan, because he’s still enjoying your company. Ikaw lang ang hinahabol niya, at patuloy na hinahabol. He had sang for you. he had given you flowers and teddy bear. He brought you to his secret hideaway and showed you off to his friends. Nakipagpalit siya ng sapatos sa iyo at wala siyang pakialam kung pagtawanan man siya ng mga tao, basta lang masiguro niyang hindi ka na masasaktan sa sapatos mo…”
Natitig siya nang husto sa salamin. Did he do all that? Kung ganon, napakarami na pala nitong nagawa para sa kanya.
“And he had put our picture in his wallet,” bulong uli niya. “Daboi, what the heck are you doing? Why did you make me fall inlove with you when you won’t even love me back?” Tinampal niya ang mukha. “Tama na nga iyan, Arianne. So what kung nagawa ka nga niyang paibigin? Hindi niya kasalanan iyon. Ang gusto lang naman niya ay alagaan ka dahil nabigo ka nang mga panahong nagkakilala kayo. Naaawa…naaawa lang siya sa iyo kaya natural lang na tulungan ka niya…”
She bit her lower lip to keep herself from crying. Goodness! Katatapos lang niyang umiyak sa kanyang unang pag-ibig. Heto na naman siya ngayon.
“Hay…” She dried her eyes with a tissue. “Mabuti na lang maganda ka. Hindi halatang nagluluksa ka naman.”
She dabbed her face with her make up. Dapat mas magpaganda pa siya. Ang pangit na naman na bigo na nga siya, mukha pa siyang losyang. Baka wala na talagang lalapit sa kanya kapag ganon ang nangyari. But a tear still escaped and ran down her cheek.
“Ano ba…” reklamo niya saka maingat uli na tinuyo ang kanyang mga mata ng tissue. Ngunit sa pagkakataong iyon, nagsunod-sunod na ang pag-agos ng kanyang mga luha. “s**t talaga…”
Iyakin talaga siya kahit kailan. Pero dito lang naman malambot ang puso niya at mababaw ang luha. Because she couldn’t hate the man she love, no matter how much she was hurting. Nang huminahon ng kaunti ay nakontrol na rin niya sa wakas ang kanyang emosyon. She tried smiling to her reflection. Pero madali pa ring makita ang lungkot sa kanyang mga mata, once na nag-focus doon ang sino mang kaharap niya. Ilang sandali pa niyang sinanay ang sarili sa pagngiti para walang anomang mahalata si Daboi. Ayaw niyang mag-alala pa ito.
Nang makuntento ay lumabas na siya.
“Akala ko na-flush ka na,” nakangiting wika ni Daboi pagbalik niya sa mesa nila. “Tatawag na sana ako ng pulis.”
“Korni mo.” Itinuloy na niya ang naantalang pagkain. Subalit sa pagkakita niyang muli sa binata ay bumalik na naman ang lihim niyang dinaramdam. Kaya halos hindi na niya malunok ang pagkain. “Ayoko na. Ipa-take out na lang natin ang mga ito. Sayang kung iiwan natin, itatapon lang iyan ng management.”
“Arianne, are you alright?”
“Oo naman.” She bravely looked up to him and smiled. “Okay lang ako…”
“Daboi!” tawag ng kung sino mula sa kabilang mesa. “May litel big boi…how are you? Ang tagal na nating hindi nagkita, ah. Kumusta ang babe magnate ng bayan?”
“Kai.”
“You have a new girl?” Lumingon sa kanya ang lalaki. “Hello. You must be Jenny.”
“Arianne.”
“Arianne! Oh, yeah! Nabanggit ka na nga sa akin ni Trigger. Nagkasalubong kasi kami sa labas kanina.”
“Kai,” singit ni Daboi. Seryoso. “We’re having lunch.”
“Ha? Oh, sorry. Naiistorbo ko na kayo, pasensya na. Excited lang akong makakita ng taga-Stallion Riding Club after my month-long honeymoon at the Caribbean. In fact, pagkatapos naming mag-lunch dito ng misis ko, didiretso na kami ng SRC para doon na magpahinga.”
“Kaiser, bumabangka ka na naman diyan.” Isang magandang babae ang naupo sa tabi ni Kai. “Ipa-takeout na nga lang natin itong pagkain natin. Sa biyahe na lang tayo mag-lunch habang papuntang SRC dahil para kang asong hindi maihi dyan sa sobrang excitement na makabalik doon.”
“Puwede ba, Zia, hon?”
“Kesa naman mang-istorbo ka ng date ng may date para lang makipagkuwentuhan tungkol sa SRC.” The woman gave her an amiable smile. “Pagpasensiyahan nyo na ang asawa ko. sira-ulo lang talaga iyan. go on with your date. Don’t mind us…si Kai lang pala. Don’t mind him.”
“I love you, Zia.”
“Tse!” But the woman kissed his lips. “’Love you too.”
Parang gusto niyang mainggit sa dalawa. They could openly show their feelings for each other, and never get embarassed by it. Siya kaya? Kailan darating ang pagkakataon na maluwag din niyang masasabi at maipapakita sa lahat ang nararamdaman niya sa taong kanyang minamahal?
“Arianne.”
“Hmm?”
“Do you want to go now?”
“Ah, oo.”
Tinawag nito ang waiter at ipinabalot ang pagkain nila. Patuloy din niyang lihim na pinanonood ang mag-asawa sa paglalambingan ng mga ito. From the way they treat each other, mukhang mahal na mahal talaga ng mga ito ang isa’t isa. Kahit na nga minsan ay may pagkabrutal ang pakikitungo ng babae sa asawa nito.
“Nakakatuwa sila,” sambit niya. “Hindi na ako magtataka kung kinaiinggitan sila ng mga babaeng narito ngayon. Nakakaiinggit naman talaga ang lambingan nila.” Napabuntunghininga na lang siya. “I wish I could have that kind of love myself.”
“You can have it,” wika ni Daboi. “If your really wanted it.”
“I know. But sometimes, no matter how much I wanted it, hindi pa rin talaga uubra. I guess you can never really have everything in this world.”
Hindi na niya narinig pang nagsalita si Daboi. Ibinaling na lang niya ang buo niyang atensyon sa mag-asawang kinaiinggitan. Ang mga lalaki talaga, kahit kailan, kapag mushy stuffs na ang pinag-uusapan ay lagi na lang umiiwas.
“Arianne. Sabi na nga ba at ikaw ang nakita ko kanina sa labas.”
Kunot-noo niyang nilingon ang nagsalita. “You are…”
“Trigger.” Binalingan nito si Daboi. “Pare, are you on a date?”
“What’s it with you if we were?”
“Wala naman. Gusto ko lang batiin si Arianne. Hindi na kasi kami nagkausap nang maayos bago siya umalis noon sa SRC.”
Tumayo na si Daboi. Napasin niyang tila nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Mas naging seryoso pa ito kaysa kanina nang lumapit sa kanila si Kai. Ano na naman ba ang nangyayari rito?
“Do you like her?” tanong nito kay Trigger.
“Who?”
“Arianne.”
Nakangiti siyang nilingon ni Trigger. “Well, she’s pretty.”
“Then why don’t you court her? Properly.”
“Can I?”
Doon na siya sumingit. “Teka nga sandali. Bakit ganyan kayo mag-usap? Daig ko pa ang babaeng bayaran kung magtawaran kayo, ah.”
“Arianne—“
“Lalo ka na, Daboi.” Masama man ang loob niya sa hindi nito pagkakaroon ng espesyal na damdamin sa kanya, bakit kailangan pa nitong ipagduldulan siya sa iba? “Hindi mo ako pag-aari kaya huwag mo akong pangunahan sa buhay ko! Ako ang mamimili kung sino ang taong mamahalin ko! Hindi ko kailangan ng tulong mo!”
Napansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga tao. Ayaw din naman niyang may ibang makakakita sa nagbabantang luha sa kanyang mga mata, hinawakan niya sa kuwelyo ng polo nito si Daboi at hinila sa CR ng mga lalaki. Agad naglabasan doon ang mga nagulat na kalalakihan. Nang mapag-isa sila ay ikinandado niya ang pinto saka galit na galit na hinarap ang binata.
“How dare you? Bakit, sino ka ba sa akala mo, ha? Wala kang kinalaman sa buhay ko kaya wala kang karapatang magpasya para sa akin! At bakit mo ako ipinamimigay kay Trigger? Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon, ha? I feel so sick! Ganyan na ba kadesperada ang tingin mo sa akin at kinailangan mo pa akong i-bargain sa mga kakakilala mo?”
“Hindi totoo iyan, Arianne.”
“Hindi totoo? Daboi, I just heard you! The entire people in this restaurant just heard you! Ipinamimigay mo ako sa ibang lalaki!”
“Hindi kita ipinamimigay! Inisip ko lang na maaaring kayo ni Trigger ang para sa isa’t isa dahil ikaw ang tanging babaeng hinayaan niyang makasakay sa kabayo niya sa Stallion Riding Club!”
“What?”
“You heard me. There was a rule among us club members, na kung sino man ang babaeng makakasama namin sa pagsakay sa mga kabayo namin, sila na ang babaeng napili naming makasama habambuhay.”
“And you let a stupid rule like that reign your life?”
“It happened amongst us. Kahit sino ang tanungin mo sa mga members ng club na nakapag-asawa na o may mga fiancees na. Ganon ang rule nila.”
Hindi na siya sigurado kung ano na ang estado ng emosyon niya nang mga sandaling iyon. all she was aware of was that she was really hurt with the way he treated her in front of those people outside. In front of his friends.
“Hindi ako isinakay ni Trigger sa kabayo niya, Daboi. And even if he did, even with that little rule of yours was real, Trigger and I would never end up together. Dahil nakapili na ako ng lalaking mahahalin ko. Sayang lang dahil ang lalaking iyon, napakatanga.”
“Are you saying…”
“That I love you?”
“Are you?”
“Oo. Pero mukhang huli na ang lahat.”
“Arianne—“
“Para sa ating dalawa.” Napakagat-labi na naman siya. This time, she didn’t bother wiping away the tears in her eyes. “Sabi mo noon, ayaw mong makakita ng babaeng nasasaktan. Pero bakit ako, nagagawa mong saktan? Ano ba ang ipinagkaiba ko sa mga babaeng tinutukoy mo roon, ha?”
“Wala…I’m—“
“Sorry? Na naman? Huwag na, Daboi. Wala rin namang mangyayari. Nasaktan mo na ako. Umiyak na naman ako. Paulit-ulit na lang ito. Nakakasawa na.”
Mahahalata sa mukha nito ang matinding pagsisisi. Na kung may lubid nga lang na available nang mga sandaling iyon ay baka nagbigti na ito sa sobrang guilt na nakikita niya rito.
“Alam mo, hindi naman ako magkakaganito kung hindi ka nagpakita sa akin nang araw na mabigo ako kay Ericson. But you were there. And you’d been with me all along, making me feel better with myself. With the world. Hindi ko sinasadyang mahalin ka, Daboi. Ikaw naman kasi, ang dami mong ginawa para sa akin.” Marahas niyang pinalis ang luha na umagos na sa kanyang mga pisngi. “Sorry kung nasigawan kita. Nakakainis lang kasi ang ginawa mo kanina, eh. You made me feel so…cheap—“
Mahigpit siya nitong niyakap. Mahigpit na mahigpit. “I’m sorry. I’m really sorry!”
“Huwag mo akong ipamigay sa iba, Daboi.”
“No!” mahina lang ang boses nito ngunit madiin iyon. “No, I won’t!”
“Please.” Humigpit na rin ang pagkakayakap niya rito. “Don’t let me go. Just like the promise you made before.”
Because God knows how much she love this man. At wala na nga sigurong makakapalit pa rito sa puso niya. Dahil kahit kay Ericson noon, hindi siya nagkaroon ng ganitong klase ng emosyon. Ng ganito katindi.
Naramdaman niya ang paglalayo nito sa kanya. Hayup! Sabi ng don’t let me go, eh! Ano ba! Balak na sana niya itong suntukin uli kung sakaling ilalayo na nga nito ang sarili sa kanya matapos itong mangakong hindi siya ibibigay sa iba. Ngunit hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon dahil siniil na siya nito ng halik sa kanyang mga labi. Ang mga labing iyon na laging may nakahandang ngiti sa kanya. Ang mga labing iyon na ilang beses din niyang kinaringgan ng mga magagadang salita na sa kabila ng kagustuhan niyang hindi pakinggan ay wala rin siyang nagawa.
His voice, his laughter, his word, his face. Those were the things about him that made her feel so special. And now this. His lips against hers, gently brushing, and then sealing their lips once again with his intense kisses. Hindi na niya alam kung gaano na sila katagal na naghahalikan. Basta para sa kanya, kahit abutin pa sila ng ikalawang paghuhukom, wala siyang pakialam kung si Daboi ang makakasama niya sa huling sandali ng sangkalibutan.
“Arianne.”
Her mind was still heady because of his kisses. Pero malinaw sa kanya ang mga nangyari. Ngayon ay kailangan na uli nilang harapin ang isa’t isa.
Sinaklit niya ang kuwelyo nito. “Hoy, kapag hindi ko nagustuhan ang maririnig ko sa iyo, malilintikan ka sa akin.”
“Mahal kita. Okay na ba iyon?”
“Okay.”
“At kahit kailan, wala akong balak na ipasa ka sa iba. Hello! Pinaghirapan yata kitang habulin. Ngayong nandito ka na sa mga bisig ko, hinding-hindi na kita pakakawalan. Gaya ng matagal ko ng naging pangako sa iyo.”
“Oh, good.” Pagkatapos ay pinakawalan na niya ito. “O, ano na ang gagawin natin ngayon?”
“Ano ba ang gusto mo?”
“Pakasalan mo ako.”
“Ngayon na?”
“Bakit, may reklamo ka?”
“Wala.” Idinikit siya nito sa nakasaradong pinto at ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito. “Kahit dito sa CR, pakakasalan kita kung iyon lang ang makakasigurong hinding-hindi ka mawawala sa akin.”