ISANG BESES pang ipinatikim ni Daboi kay Arianne ang tamis ng pag-ibig nito. But this time, though, he was kissing her with the utmost gentleness he could ever muster.
And she was having the time of her life.
“Sorry talaga kung nasaktan kita kanina, Arianne. Masyado lang akong nagselos kanina nang makita ko si Trigger.”
“Selos? Ano naman ang ipagseselos mo sa kanya? SAbi ko naman sa iyo, hindi ako nakasakay sa likod ng kabayo niya.”
“Okay, sabihin na nating hindi nga. Pero hindi ko alam iyon. Idagdag pa na nang ako ang magyaya sa iyong sumakay ka sa kabayo, tumanggi ka.”
“E, kasi naman, natakot ako sa iyo nun. May mga bagay akong nararamdaman sa iyo nang mga panahong iyon na hindi ko naman dapat nararamdaman.”
“Ow? So ang ibig sabihin, noon pa man ay may gusto ka na sa akin?”
“Bakit, ako lang ba? Ikaw din naman, ah.” Ipinatong niya sa mga balikat nito ang kanyang mga braso at pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa guwapo nitong mukha.
This is the man for me. This is the man I would truly cherished and would truly love me all the way.
“Noon pa man ay ako na ang gusto mong makasama habambuhay. Dahil kung hindi ay hindi mo ako aalukin na sumakay sa likod ng kabayo mo.”
“Well, isn’t it obvious enough?” buong giting nitong pag-amin. “Noon pa man, gusto na kita. Up to a point na s*******n kitang mahalin ako.”
Oo, naalala nga niya na nang panahong iyon ay sinigawan siya ng pinsan nitong si Genil na pipikutin lang siya nito kung sasama siya rito. Magulo pa ang daigdig niya noon. Pero kung ngayon siya nito aalukin…
“Sayang, ngayon ko lang nalaman iyan,” aniya.
“Manhid ka kasi. Ang dami ko ng ginawa para sa iyo, hindi mo pa rin nakukuha ang mga lihim kong intensyon. At hindi mo rin ako puwedeng akusahan na wala akong sinasabi. Ilang beses ko ng sinabi sa iyong gusto kita. Ikaw lang ang hindi nakikinig.”
“Oo na, oo na. Kasalanan ko na ang lahat.” She touched the base of his neck. “Pero salamat at hanggang ngayon, nandito ka pa rin sa tabi ko.”
“Ang totoo, binalak ko na talagang sumuko. Back at the Stallion Riding Club, balak ko ng magtapat sa iyo. Kaya nga binigyan kita ng bulaklak at teddy bear. Pampadulas kumbaga. Bago ang malaking pasabog. But those women came and you took off with Trigger.”
Kinurot niya agn tenga nito. “Ang kulit mo. Sinabi na ngang—“
“That wasn’t what I’ve seen. Actually, si Trigger lang naman talaga ang nakita kong tumatakbo palayo sakay ng kabayo niya. Si Jigger ang nagsabing umalis na nga kayo ng kakambal niya. Since wala akong ebidensiyang hindi nga kayo magkasama, at nabulag na rin siguro ako ng selos, naniwala agad ako sa kanya.”
“Ayan, nagpapaniwala kasi sa tsismis.”
“When it comes to you, lahat paniniwalaan ko.”
“Kaya ba nang magkita uli tayo kanina sa hotel, hindi mo man lang ako kinilala?”
“I was jealous. I was hurt. Sa tuwing nakikita kita, hindi ko maiwasang isipin na isa sa mga araw na ito ay mawawala ka na sa akin. Na hindi na uli kita makakasama o makakausap man lang. Dahil nariyan na si Trigger sa tabi mo.”
Hay naku. Marami talaga ang namamatay sa maling akala. “Sino ba kasi ang nagpauso ng rule ninyong iyon tungkol sa pagsasakay ng mga babae sa likod ng kanilang mga kabayo? Uunahin ko na siyang ipasipa sa mga kabayo. Nagugulo ang mundo ninyo nang dahil diyan, eh. Kayo namang mga siraulong members, naniniwala.”
“Wala kaming magagawa. Sensitive talaga kami pagdating sa usaping pag-ibig.”
“Mukha nga.” And that’s what makes these men lovable. Dahil walang kiyeme ang mga ito pagdating sa mga babaeng minamahal nila. She kissed him on his lips. “Pero gusto ko pa ring magpasalamat sa iyo at sa lahat ng ginawa mo. Kahit na nga may hidden agenda ka sa mga pagtulong mo sa akin.”
Tumawa lang ito bago siya mahigpit na hinapit sa kanyang beywang at pinagdikit ang kanilang mga noo. She could see the love in his eyes as he looked at her.
“Ikaw lang ang babaeng hinabol ko, ang babaeng niligawan ko, at ang babaeng minahal ko nang husto. Hindi ako sanay sa mga ginawa ko, but it was all worth it.”
“Hmmm.”
“Tutuparin ko ang pangako kay Ericson. Na aalagaan kita at hinding-hindi pababayaan.”
“Nangako ka sa kanya?”
“Oo, sa isip.” Tinampal niya ito sa noo. Natawa lang uli ito. “Pero naging pangako ko na rin iyon sa sarili ko. Mula sa araw na minahal kita, hanggang sa huling hininga ko, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Aalagaan kita at kahit kailan ay hindi paiiyakin.”
Nangilid na naman ang luha sa kanyang mga mata. Hindi talaga niya akalaing darating pa ang pambihirang pagkakataong ito sa buhay niya. Nang mabigo siya noon kay Ericson, akala niya ay wala na siyang pag-asang magmahal pa at mahalin ng iba. Pero hindi pa man siya nakakapagluksa sa naging kabiguan niya, dumating na sa buhay niya si Daboi.
May litel big boi…hihihi!
Sige, tanggap na rin niya ang pagiging lapitin nito ng mga babae. Dahil sigurado naman siyang siya lang ang kusa nitong lalapitan sa huli. Humabol na ang gustong humabol. Pero walang sinoman ang maaaring magdikta kay Daboi kung sino ang dapat nitong mahalin. Ito pa rin ang magpapasya niyon.
Hah! sorry na lang ang mga babaeng iyon dahil nakapili na si Daboi ng babaeng mamahalin nito.
At ako iyon.
“I love you, Arianne.”
“I love you, Danniel.” Saglit siyang nag-isip. “Hmp! Daboi na lang. Hindi ako sanay ng Danniel. Parang ibang tao ang kinakausap ko.”
“Daboi it is.”
They were about to kiss again when someone knocked on the door. Napilitan tuloy silang maghiwalay upang pagbuksan iyon.
“Bakit ba?” asar na tanong ni Daboi. Hindi siya nito ipinakita sa kung sino mang nasa labas.
“Anong bakit ba? Nadyi-jingle ako.”
“Mamaya ka na mag-jingle, Ian Jack. May importante pa kaming pinag-uusapan ni Arianne.”
“Wala akong pakialam sa drama ninyong dalawa. Basta nadyi-jingle ako.” Tuluyan na itong pumasok ng CR. Nang makita siya ay agad din naman itong lumabas upang kausapin si Daboi. “Ikaw naman, Daboi, ang yaman-yaman mo pero dito ka lang sa CR nagtatapat. CR pa ng mga lalaki. Umayos ka nga.”
“Oo, aayos na.” Hinawakan na siya ni Daboi sa kamay at hinila palabas. “Teka, nasa labas pa ba si Trigger, Ian Jack?”
“Oo.” Pumasok na uli ito ng banyo. “Kung gaganti ka, gumanti ka na. Goodluck, pare.”
“Bakit ba ang dami nyo yata ngayon dito sa restaurant na ito?” tanong niya nang hilahin siya ni Daboi patungo sa dining area. “Weird.”
“Dito ka lang.”
“Saan ka pupunta?”
“May kukutusan lang ako.”
Saglit itong tila may hinanap sa doon at nang makita ay agad nitong sinugod iyon. Daboi went out of the restaurant and through the glass window panel, kitang kita niya kung paanong basta na lang sinuntok nito si Trigger na nakatayo lang doon at may kausap na kung sino. Mabilis siyang tumakbo palabas upang awatin ang mga ito.
“Daboi, ano ka ba! tama na iyan!”
“Teka lang,” wika nito. “Isang suntok pa. Para quits na kami.”
“Daboi—“
Hindi naman magpapatalo ang kalaban nito kaya gumanti ito. Mabuti na lang at pumagitna na rin ang ibang mga lalaki roon upang awatin ang mga nagsusuntukan.
Malakas na napamura si Trigger. “Ano ba ang kasalanan ko sa iyo?”
“Bakit hinayaan mo akong isipin na naisakay mo nga si Arianne sa kabayo mo? Nagkagulo tuloy kami nang wala sa oras nang dahil sa iyo!”
Muli itong malakas na nagmura. “Hindi ako si Trigger! Manalamin ka nga!”
“Hindi ikaw si Trigger?”
“I’m really getting tired of this,” sambit nito.
“Good,” singit ng isa pang lalaki na mataman lang nanonood sa mga nangyayari. “I’m giving you and your twin a one-week suspension on the Stallion Riding Club.”
“Reid, naman. Bugbog-sarado na nga ako…”
“Okay, two weeks then.”
“Tig-isang linggo kami ni Jigger?”
“Jigger?” Nagsalubong ang mga kilay ni Reid. “So, you are Trigger.”
“Ahm…no?”
Napailing na lang ang mga kasamahan nito.
“Let’s just sue them,” sulsol ni Daboi. “Lock them behind bars. Sa tingin ko, iyon lang ang makakasigurong hindi na sila manggugulo pa ng buhay ng may buhay.”
“Come on, your life will be dull without me and Jigger.”
“Ewan,” sambit niya nang tulungang makatayo si Daboi. “Makakarma rin kayo.”
Inakbayan siya ni Daboi at naglakad na sila pabalik sa kotse nito. “But you know, parang totoo rin ang mga sinabi ni Trigger. Somehow, malaki ang kinalaman nila kung bakit karamihan sa mga kasamahan ko sa SRC ay masasaya na sa piling ng mga babaeng mahal nila ngayon.”
“Maybe. Pero huwag lang uli nilang pakikialaman ang lovelife natin. Dahil kung hindi, ibabalik niya ang mga ito sa sinapupunan ng nanay nila!”
“I love this girl.” Daboi kissed her on her lips once again.
And for all the world to see. Sweet.
THE END