CHAPTER 5

1818 Words
NAPAPAILING NA lang si Arianne habang hindi magkandaugaga ang mga nurse at doktor na nag-aasikaso sa kapiranggot na galos niya.  At kagagawan iyon ni Daboi na nakatayo malapit sa nakabukas na pinto ng private room na iyon, nakapamaywang habang nagpapaulan ng mga deaththreats sa mga pobreng hospital staffs. “Simpleng galos lang iyan kaya siguraduhin ninyong maayos ang trabaho ninyo.  Dahil oras na magkaroon ng kumplikasyon iyang sugat ni Arianne, ipapagiba ko ang ospital na ito at patatanggalan ko kayong lahat ng lisensiya.” “Daboi, kapag nagka-nervous breakdown ang mga iyan, tuluyan na akong hindi maaasikaso sa sugat ko.  At kasalanan mo kapag naimpeksyon ako.” “Ang babagal kasi magsikilos.  Paano kapag naubusan ka ng dugo?” Hindi niya alam kung matatawa o maaasar sa lalaking pasaway na ito.  But then, hindi rin niya maiwasang matuwa sa ginagawa nitong pangha-harass sa mga hospital staffs para asikasuhin siya.  It was just…sweet. “Anong kaguluhan ito?” tanong ng isang lalaking nakatayo sa pinto at pinapanood ang mga nangyayari.  He had a long wavy hair and the most beautiful face of a man she had ever seen.  Kung hindi nga lang ito nagsalita ay baka mapagkamalan na niya itong babae.  “Daboi, bakit mo nginangarag ang mga tauhan ko?” “Gusto ko lang maasikaso nang maayos si Arianne, Cloud.” “Maaasikaso nila ng maayos ang babae mong iyan kahit hindi mo sila utusan.” Hinarap nito ang lalakign nagngangalang Cloud.  “Don’t regard Arianne as just my woman.” “Okay.  Then don’t stressed out my staffs.  Kapag hindi sila nakapagtrabaho ng maayos, sisingilin kita ng damage para sa trabahong hindi nila nagawa ng maayos.  And don’t think I’m not serious about it.” Iniwan na sila nito pagkatapos.  Nakita niyang hindi na maganda ang mood ni Daboi habang sinusundan nito ng tingin ang kausap lang kanina.  Base sa narinig niyang usapan ng mga ito, ang magandang lalaking iyon na nagngangalang Cloud ang may-ari ng naturang ospital.  Kung hindi man may mataas na posisyon. “Okay na ho, Miss,” wika ng doktor na nag-asikaso ng galos niya.  “Kung magkakaroon pa ng problema sa sugat mo, bumalik ka lang dito agad para matingnan uli natin iyan.” “Salamat.” Magalang ng nagpaalam ang doktor at mga nurses sa wala pa ring imik na si Daboi.  Akala nga niya ay hindi na talaga ito magbabago pa ng mood.  Ngunit ngumiti na ito sa mga nag-asikaso sa kanya, kaya naman tila nawala ang nerbiyos ng mga nurse at kinikilig pa ang mga itong nagpaalam sa binata. “Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong nito nang mapag-isa na sila.  Sinipat nito ang nakabenda na niyang braso.  “Masakit pa?” “Hindi na.”  Tumango-tango ito.  “Bakit inaway mo ‘yung lalaki kanina?” “Sino?  Si Cloud?  Hindi ko naman siya inaway.  Ganon lang talaga kami mag-usap.”  Ngunit hindi ito tumitingin sa kanya.  “Hayaan mo na iyon.  Kung wala ka ng ibang nararamdaman sa sugat mong iyan, ihahatid na kita sa inyo.” “Ihahatid?  Ako naman ang may kotse sa atin.” “E, di magpapadala ako ng sarili kong kotse dito.  Problema ba iyon?”  He took out his cellphone and called someone.  “Gusto mo chopper pa.” Nakangiting kumindat pa ito sa kanya.  Talagang ganon lang kadali rito ang kumuha ng panibagong sasakyan?  Just how rich this guy was?  Kinuha niya rito ang cellphone nito at pinatay iyon. “Huwag na.  Kaya ko ng magmaneho at umuwing mag-isa.  Ikaw, tumawag ka na lang ng taxi.  Tama ng dinala mo ako rito.  Salamat.” “But you can’t drive.  Your wound might—“ “Daboi, enough, okay?”  Ibinalik na niya rito ang cellphone nito.  “Just leave me alone.” Hindi na niya ito hinayaan pang makapagsalita at iniwan na ito roon.  Lumabas na siya ng silid at nagmamadaling naglakad pabalik sa kanyang sasakyan.  She really shouldn’t be around that man.  Kung ano-ano na kasi ang naiisip niya kapag nasa malapit lang ito.  At karamihan sa mga naiisip niyang iyon, kabaliwan na lang kapag nalaman ng ibang tao. “Arianne.” She recognized that voice.  Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng boses ay hindi nga siya nagkamali. “Ericson.”  Ngayon na lang uli sila nagkita mula nang araw na nagtapat ito sa kanya ng totoo nitong pagkatao.  At hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya ang hinanakit sa sinapit ng pagmamahal niya rito.  But she wasn’t about to let him know.  Tama ng nagmukha siyang tanga sa buong panahon na naging magkasintahan sila nito.   “What happened to you?” tanong nito na nakamasid sa braso niyang may benda.   “Ha?  A, wala ito.  Nagkaroon lang ng kaunting aksidente.” “You didn’t try to…”  Gumuhit ang pag-aalala sa guwapo nitong mukha.  “Hurt yourself, do you?” “Ha?  Hindi, ah.”  Pinilit niyang ngumiti.  “Talagang may aksidente lang akong kinasangkutan kanina.  Pero wala ito.  Exag lang talaga si Daboi—“ “Arianne.”  Daboi was at her side now.  “May problema ba?” Sa buong buhay niya, hindi niya akalaing darating ang araw na maa-appreciate niya nang husto ang pagsulpot-sulpot ni Daboi sa tabi niya.  Umangkla siya sa braso nito. “This is Daboi, by the way,” pakilala niya rito.  “Daboi, this is Ericson.” Naramdaman niya ang pagtataka sa binata ngunit hindi na ito nag-react pa tungkol doon.  Bagkus, kaswal na lang itong umakbay sa kanya.  Ikinagulat niya iyon pero hindi na lang din siya nagsalita pa.  She needed him right now.  Para maitago niya ang hinanakit na nararamdaman sa taong bumigo sa kanya. “Kumusta, pare?” bati rito ni Daboi.  “Pasensiya ka na kung hindi kami makakatagal para makipagkuwentuhan sa iyo.  Kailangan pa kasi ni Arianne na magpahinga pagkatapos ng mga nangyari kanina.” “Is she going to be alright?” “I’m—“ “Nandito naman ako kaya huwag ka ng mag-alala sa kanya,” sansala ni Daboi.  “She’ll be alright.” Napasinghap siya nang maramdamang dumampi ang mga labi nito sa kanyang sintido.  Binalingan niya ito.  Ngumiti lang ito saka muli siyang dinampian ng halik sa tungki ng kanyang ilong.  Napatanga na lang siya rito.   Talagang inulit pa! Batid niyang dapat ay nagagalit na siya rito.  Dapat ay inuupakan na niya ito sa mukha, sinisikmura at pinupulbos ng uppercut.  Pero nanatiling nakatitig lang siya sa nakangiting mukha nito.  Hindi niya magawang saktan ito.  Ni hindi niya magawang kumilos nang mga sandaing iyon.  Ang nakakapagtaka pa, parang ayos lang din na pagmasdan na lang niya ang mukhang iyon na lalong nagiging guwapo sa bawat sandaling lumilipas. What heck’s going on with her? “Hoy, Daboi.  Nakadalawa ka na.” “Liable for s****l harassment na iyan.” Salamat sa mga nagsalitang iyon, sa wakas ay tila natauhan na siya.  Dalawang magkamukhang-magkamukhang lalaki ang nakita niyang nakamasid sa kanila di kalayuan sa kinaroroonan nila.  Itinaas ng mga ito sa direksyon nila ang mga papercups na hawak ng mga ito bago naglakad palayo. “Anong ginagawa ng kambal na iyon dito?” narinig niyang sambit ni Daboi sa tabi niya.  “Istorbo talaga sila kahit kailan.” “Arianne, mukhang nasa maayos na kalagayan ka na nga ngayon.” “Ha…”  Nakangiting mukha na ni Ericson ang nalingunan niya.   “You’ll be alright now.” “Siyempre,” singit ni Daboi.   “Daboi, right?” baling dito ni Ericson.  “Take care of Arianne.  All the time.” “Hindi mo na kailangang sabihin iyan, pare.”  Malakas nitong tinapik sa balikat si Ericson.  “Ako ang bahala sa kanya  Teka, sino ka nga?” “I’m the one she used to love.”  Siya naman ang binalingan ni Ericson.  “I’m leaving for States tomorrow night, Arianne.  Doon na siguro ako mananatili, for good.  Alagaan mo lagi ang sarili mo.  At maraming salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin.  I’m sorry I couldn’t love you back the way you want me to.” Tumango lang siya.  Pigil na pigil pa na naman niya ang mga luhang nagtatangkang umagos sa kanyang mga mata.  She still love this guy.  Gay guy.   “Ingat ka na lang, Ericson.” “I will.”   He hugged her and she hugged him back.  For the last time.  Babaunin niya ang huling pagkakataong nayakap niya ito sa kanyang alaala.  Its time to let him go. “Katatapos lang kitang halikan, nagpayakap ka na agad sa iba,” wika ni Daboi nang makaalis na sa harap nila si Ericson.  “Nakakasama ng loob.” Malakas niya itong tinampal sa braso nang harapin ito.  “Bakit mo ako hinalikan?  Binigyan ba kita ng permisong halikan ako, ha?” “Bibigyan mo ba ako ng permiso kung sakali?” Ewan din niya.  Inalis niya ang braso nitong nakapatong sa kanyang balikat.  Naglakad na siya palayo.  Ngunit sumunod pa rin ito. “Leave me alone, Daboi.” “’Yun ba ang lalaking nagpaiyak sa iyo noong unang beses kitang nakita sa hotel ko?” “That’s none of your business.” “Gusto mong upakan ko siya para makaganti ka?” “Gusto kong layuan mo ako.” “Mahirap iyan.” “Gawin mo.” “Next time na lang.  I’m still enjoying your company.” “I’m not enjoying your company.” Hindi na niya ito narinig pang sumagot.  Mabuti naman at nang matahimik na ang mundo niya.  Subalit pagdating niya sa kanyang kotse ay nakita niya ang isang susi.  May keychain iyon ng isang anime character.  Si Uchiha Itachi.  Parang alam na niya kung kanino ang susi na iyon.   “Isip bata talaga,” sambit niya saka bumalik sa loob ng ospital upang ibalik sana iyon kay Daboi. Ngunit pagpasok pa lang ng hospital lobby ay nakita na niya ang kanyang hinahanap, kausap ang tatlong babae.  Sa hindi malamang kadahilanan, agad nag-init ang kanyang ulo pagkakita sa eksenang iyon.  Pumihit na lang siya pabalik ng sasakyan niya nang marinig ang pagtawag nito sa kanya.  Pero hindi na siya lumingon pa. “Babaero talaga ang kumag!” gigil niyang wika nang makaalis sa lugar na iyon.  “Super!” Nakita pa niya sa side mirror ng kanyang kotse na humahangos na lumabas ng ospital si Daboi.  Hindi na nga lang siya nito naabutan. “Magka-STD ka sana at nang tumino ka na!” Pero agad din niyang binawi ang kahilingang iyon.  Afterall, naging mabuti rin naman ito sa kanya.   “Teka, bakit parang ipinagtatanggol ko na siya ngayon?” Kinalimutan na lang niya ang naisip.  Pati na rin ang lalaking naging dahilan ng mga kakaibang isiping iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD