EKSAKTONG paglabas ko ng elevator ay nag-ring ang cellphone ko. I took it from my pocket and saw the name of the caller. Imbes na dumirecho sa pupuntahan ko ay lumiko ako sa may fire exit at saka sinagot ang tawag. “Naya?” “Eric, nasaan ka?” bungad niya mula sa kabilang linya. Bago ako umalis ng office ay tumawag na ako kay Naya para sabihing hindi ako makakauwi para sa dinner. “Pwede ka bang umuwi ngayon?” tanong ulit niya bago pa ako makasagot. Her voice was full of tension. Nagusot ang noo ko. “Why? Is there something wrong?” “Nawawala si Ninong Marty,” sagot niya na sinundan ng mahinang iyak. Hindi ko napigilang mag-alala. “N-nawawala? Paano mo nasabi?” “Hanggang ngayon hindi pa siya nakikita ni Kuya Vener. Nasa airport pa si Kuya Vener at nagtanong na rin siya roon. Kanina p