(NAYA) “NINONG Marty, ito po pala ang mga kasama namin sa bahay - si Nay Thelma, ang nanay-nanayan namin ni Eric, si Poleng po, ang mabait na tagapag-alaga ko, at si Kuya Vener na siya pong dapat na susundo sa inyo kahapon,” pagpapakilala ko habang itinuturo sila isa-isa kay Ninong. Tumango at nakipagkamay naman ang tatlo sa Ninong ko. “Magandang araw po, Sir Marty! Kumusta kayo?” tanong ni Nay Thelma. “Maayos naman po. Salamat.” “Ninong, wala po sa ngayon dito sina Kuya Regie at Ate Tess dahil naka-day-off sila. Pero makikilala mo rin po sila sa susunod na araw.” Tumango lang si Ninong Marty pagkatapos ay bumaling ito kina Nay Thelma. Ngumiti siya sa mga kasambahay. “Maraming maraming salamat po sa pag-aalaga ninyo kay Naya. Masaya akong makilala kayo.” “Wala kayong dapa