“I want a normal delivery,” sabi ni Naya sa kaniyang OB-Gyne. Nasa thirty six weeks na ang ipinagbubuntis niya at babae ang magiging panganay namin. Ayon sa doktor, anytime ay maaari na raw manganak si Naya lalo na’t nakakaramdam na ito ng ilang senyales. Hindi ko mapigilang kabahan at mag-alala. Unang beses na magsisilang ni Naya kaya kung posible na hindi siya gaanong mahirapan, bilang asawa ay ‘yon ang pinili ko. The doctor suggested a painless childbirth procedure. Hinimok ko si Naya na gawin iyon. At thirty eight weeks, her water broke. Nasa bahay na lang ako noong panahon iyon at doon nagtatrabaho dahil hindi ko maiwan si Naya. Si Ninong Marty na siyang kasalukuyang VP for Finance ay nasa opisina. Hindi ko malaman kung paano ko dadalhin si Naya sa sasakyan. Halos malimutan ko ang