Dumating ang araw na hinihintay ko. I was the happiest man on earth on the day of my second wedding to Naya. Naroon ang lahat ng importante at malalapit na tao sa buhay namin. Maging ang mga dating business associates ni Papa at mga kaibigan ay dumating din. Isa sa mga naging principal sponsors ang mag-asawang Iyas at Susan Montelibano. “Ninong!” tawag ko kay Iyas. He looked healthy and fine. Nagpapasalamat ako na buhay at ligtas ang matalik kong kaibigan. Humalik at nagmano kami ni Naya sa mag-asawa bago muling naglibot sa mesa ng mga bisita sa reception. Kausap ko ang isa sa aking executives nang mapansin ko si Regie na nakatayo sa tabi ng buffet. I personally picked him as my best man dahil Ninong ko na si Iyas. Nagpaalam ako sa kausap ko at nilapitan siya. He smiled happily pero, a