PARANG minamaso ang dibdib ko habang hinihila ko si Naya papunta sa pinagparadahan ng kotse. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya na pakiramdam ko ba ay tatakbo siya oras na makawala sa palad ko. I quickly unlocked the car door and ushered Naya inside. Wala namang pagtutol sa kaniya pero, hindi ako pwedeng makampante. Huling-huli niya ako. Hindi ko maitatanggi ang nagawa kong ito. “Eric! Eric, please, h’wag ka munang umalis!" tawag ni Belle na humabol sa amin hanggang doon. Nilingon ko siya. "Pag-usapan natin ang sinabi ng babaeng ‘yan! Simulan na nating ayusin ang annulment ninyo.” “Belle, saka na lang tayo mag-usap! Can’t you see that my wife is here? Uuwi na kami!” “What about our dinner? Iiwan mo na lang basta matapos kong maghanda?” Nagbuga ako ng hangin at hindi na pinak